: Alex Eala ( WTA/ FB)
Pinatunayan ni Filipina tennis ace Alex Eala ang kanyang tibay matapos makalusot sa isang mabangis na three‑set laban kontra Amerikanang si Caty McNally upang makapasok sa Round of 16 ng National Bank Open sa Toronto, Canada.
Matikas ang panalo ni Eala sa unang set, ngunit bumawi si McNally upang itabla ang laban. Sa huling set, nanatiling matatag ang 21‑anyos na Pinay, kumamada ng kritikal na puntos sa mga huling game upang tiyakin ang panalo.
Ang tagumpay ay dagdag na patunay sa kanyang lumalalim na kampanya sa Toronto, kung saan patuloy niyang hinaharap ang pinakamahigpit na hamon sa WTA Tour. # (CNE)