Mon. Jul 6th, 2026

📷: Alexandra “Alex” Eala / WTA

 

Kinilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tagumpay ni Alexandra “Alex” Eala matapos maging kauna-unahang Pilipino na umabot sa ika-apat na round ng Wimbledon, na tinawag niyang “sandali ng pambansang dangal at inspirasyon.”

“There are days when an entire nation celebrates together. Today is one of those days,” ani Marcos sa isang post sa social media.

“Congratulations, Alex Eala! You have become the first Filipino ever to reach the fourth round of Wimbledon, and the whole country couldn’t be prouder.”

Si Eala, kasalukuyang No. 29 sa mundo, ay nagpasiklab nang talunin ang defending champion at world No. 3 na si Iga Swiatek ng Poland, 7-6(9), 6-2, sa kanilang third-round match sa All England Club nitong Sabado.

Sa edad na 21, nailigtas niya ang dalawang set point sa unang tiebreak bago dominahin ang ikalawang set para sa pinakamalaking panalo ng kanyang karera.

“I said before that this was only the beginning. Watching you today, I couldn’t be more convinced. You’re just getting started,” dagdag ng Pangulo, sabay pasasalamat kay Eala sa pagbibigay-inspirasyon sa kabataang Pilipino na mangarap nang malaki. “Keep going, Alex. We are behind you all the way. Laban!”

Si Eala ang unang Pilipinong manlalaro sa Open Era na umabot sa ikalawang linggo ng isang Grand Slam. Makakaharap niya si Jasmine Paolini ng Italya, runner-up ng Wimbledon noong nakaraang taon, sa ika-apat na round sa Lunes.  # (RRN)

 

 

By admin