Wed. Jul 3rd, 2024
Manny Pacquiao

IBINASURA ng International Olympics Committee (IOC) ang hirit ni dating eight-division boxing world champion Manny Pacquiao na sumali sa Paris Olympics dahil hindi na ubra ang kanyang edad.

Iniulat ng Philippine Olympic Committee (POC) na ang kanilang apela na payagan si Pacquiao na maging bahagi ng national team ay hindi pinayagn ng IOC sa katuwiran na ang age limit requirement para sa mga atletang sasali sa Olympics ay hanggang 40-anyos.

Si Pacquiao ay 45-taong gulang na.

“The only valid boxing qualification system for Paris 2024 is the one approved by the IOC Executive Board in September 2022 published and distributed to NOCs and boxing national federations on 6 December 2022,” sabi ni IOC Director for National Olympic Committee Relations James Macleod

“This includes the age limit of 40,” dagdag niya.

Sinabi rin ng IOC na hindi rin puwede si Pacquiao sa Olympics sa pamamagitan ng Universality rule, isang opsyon para sa mga atleta na hindi kuwalipikado sa regular qualifiers, bunsod ng restriksyon na ang national Olympic committees (NOCs) na mahigit sa average na walong atleta sa individual sports/disciplines sa nakalipas na dalawang edition ng Olympics ay itinuturing na ineligible.

May 17 atleta ang isinabak ng Pilipinas sa individual events sa 2020 Tokyo Summer Olympics. (ZIA LUNA)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *