Mon. Jul 22nd, 2024

LIKE a cautious driver up ahead ay biglang kumambyo si Annabelle Rama with her disclaimer.

Nito lang mga nakaraang araw, nag-post ang showbiz mom ng tungkol sa mga manyika, pero obyus namang she was alluding to real people.

Aniya, hindi raw lalaban ang manyikang si Annabelle kay Barbie doll dahil maganda, maputi at makinis ito.

Instead, Annabelle would rather pick up a fight with Chucky doll.

Those who are familiar with the horror flick Child’s Play would know na ang manyikang si Annabellle ay na-possess ni Chucky.

“Alam n’yo na kung sino ‘yon!” pagbibigay ni Annabelle ng clue kung sinong Chucky ang tinutukoy niya.

Dahil maituturing na no-brainer ‘ika nga ang blind item post ni Annabelle, mismong ang mga netizens na ang nagbisto sa mga tauhan nito.

Si Annabelle Rama ang mismong doll named Annabelle who won’t fight with Barbie Imperial, na mas bet warlahin si Chucky na ayon sa mga netizens ay ang manugang niyang si Sarah Lahbati.

Or so the netizens thought.

Pero ang totoo raw pala, ayon mismo kay Annabelle, ay hindi “S” ang initial ng pangalan kundi “E.”

Napakaimposible namang ang “E” na ‘yon ay ang mister niyang si Eddie Gutierrez o ang anak nilang si Elvis.

So, nag-“I therefore conclude” ang mga netizens na ‘yun ay walang iba kundi ang mismong balae ni Annabelle na si Esther Lahbati.

Sa isang banda, why does Annabelle have a bone to pick with Esther samantalang si Richard naman ang iniuugnay sa ibang babae?

Hindi ba dapat ay si Esther ang umalma in defense of her daughter?

Kumustahin naman natin ang subtle o disimuladong reaksyon ni Sarah sa blind item post ng kanyang biyenan.

Along with close friend Kyline Alcantara’y wari’y pinagtulungan nila si Annabelle sa video.

May sagutan sina Sarah at Kyline, pero iisa lang ang tinutumbok ng convo nila.

“Are you competing with me?” tanong ni Kyline na buong class namang sinagot ni Sarah.

Hindi man direktang sagot ‘yon sa patutsada ni Annabelle, the effect that Sarah’s answer had on her mom-in-law was much more intense.

“Classy” nga kung ilarawan ‘yon ng mga netizens, that earned Sarah more ganda points!

Kilala nating unstoppable si Annabelle, pero huwag na niyang i-stress ang kanyang sarili thinking how she can get even with Chucky.

Annabelle might as well leave her “perceived enemies” in peace.

She’s too old yet beautiful to make enemies!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *