Fri. Jul 5th, 2024

 

Marami ang nakapansin kung bakit wala si Jennylen Mercado sa GMA 7 Station ID, pero ang partner niyang si Dennis Trillo ay kasama.

Marami ang nagtaka sa di pagkakasama ni Mercado dahil alam ng lahat na Kapuso star ang tinaguriang Ultimate Star.

Sa  Tiktok account ng aktor, may isang fan na maayos nagtanong sa kanya tungkol sa isyu.

“May ABS-CBN pa ba? sagot niya.

At sunud-sunod ang reply ng aktor na di nagustuhan ng mga netizen

“Eto ulit may ABS-CBN pa baaaa????

I-screenshot nyo uli. Wala akong pake kung sugurin ako ng mga Kapamilya,” matapang niyang pahayag.

Pero ilang oras lang ang nakalipas, tumiklop ang aktor at binura niya ang lahat ng posts.

Sa kabilang banda, may posibilidad na lumipat sa Kapamilya Network si Jennylyn dahil gumagawa siya ngayon ng album under Star Music na paga-ari ng ABS-CBN.

Yun na!

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *