Fri. Sep 13th, 2024

📷Carlo Morris Galang

Nagpahayag ng pagkalungkot ang nagmamay-ari ng Misters of Filipinas pageant na si Carlo Morris Galang sa pagkakasangkot ng former winner nilang si AR dela Serna sa dating Presidential Spokesperson na si Harry Roque.

Sa ginanap na paglulunsad ng 11th year ng kumpetisyon, inamin ni Galang na hindi nakakatuwang madamay pati pangalan ng kanilang pageant sa iskandalo nina Roque at dela Serna.

Hindi aniya bahagi ng values na itinuturo sa MOF kings ang gumawa ng mga bagay na ikasisira ng kanilang pagkatao at pangalan.

Nanindigan din ang may-ari ng patimpalak na naniniwala siyang trabaho lamang para kay dela Serna ang naging ugnayan nito kay Roque. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *