Sat. Nov 23rd, 2024

Ilang tulog na lang ay bubulaga na uli sa TV ang panghapong programa ni Willie Revillame sa Kapatid network.

To air kasabay ng Family Feud sa GMA, tiyak na magbabago ang viewing habits ng mga kababayan natin on its pilot episode onwards.

Ang pagiging kasado na ng Wil To Win ay nangangahulugan lang ng pagsasantabi ni Willie ng kanyang plano kaugnay ng pagsabak sa pulitika.

Matatandaang early this year–at a huge rally in Davao City–mismong ang TV host went up the stage to announce he was already prepared to take a political plunge.

Pero ano ka’t hindi pa nangangalahati ang taon, Willie was heard humming a different tune.

Higit na umalingawngaw ang non-political tune na inaawit ni Willie base sa mga natututukan niyang kaganapan sa Senado.

A seat at the Senate was Willie had been eyeing all along. Pero ito rin ang nagdulot sa kanya ng pagkadismaya.

Sa panayam ni Gretchen Ho, diretsong inamin ng returning TV host na nawalan na raw siya ng gana sa pulitika, this after staying glued to the Senate hearings kung saan mismong ang mga mambabatas ang nagbabangayan.

Kung nagkataong pinalad, hindi raw maimadyin ni Willie kung ano ang kanyang gagawin sa Senado.

Kunsabagay, even without the furor among the senators–ay ano pa nga ba ang kontribusyon ni Willie maliban sa pag-sponsor ng jacket?

Pero may point si Willie when he cited our officials’ pre-campaign demeanor.

Pag nangangampanya nga raw kasi, sama-sama as in united ang mga ito lalo na sa pagbibitaw ng kanilang mga pangako kapalit ng boto ng taumbayan.

Pero kapag nahalal na’y balik sa dating gawi.

A general yet valid oobservation, had Willie pursued his senatorial bid and won, mapagsabihan kaya niya ang mga pasaway niyang kabaro?

I doubt, your Honor.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *