Tue. Sep 17th, 2024

📷EJ Obiena at Caroline Joyeux (Screengrab from Sa Totoo Lang| YouTube)

NAKAGAGALAK panoorin ang masayang pagsasama nina World No. 3 Pole Vaulter EJ Obiena, ang kanyang inang si Jeanette Obiena at ang girlfriend na si German athlete Caroline Joyeux sa unang pagkakataon sa esklusibong panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One PH noong Biyernes, Setyembre 6.

Habang isinasalaysay nina EJ at Jeanette ang kanilang nakakakilig na love story, masayang nakatingin si Caroline, lalo na nang sabihin nila kung ano ang pinaka-nagustuhan nila sa isa’t isa.

“He has two different sides, both are really helpful in life. Like the one is really wise, he knows a lot of things and has always the best approach to help you. And on the other side he’s just like a kid sometimes and brings the light to the life” wika ni Caroline habang nakangiti si EJ na pinagmamasdan siya.

“She makes me wanna do better. That’s definitely something I’m grateful for,” tugon ni EJ na malagkit ang titig sa nobya.

Ang nanay naman ni EJ halatang walang tutol at masaya rin sa nakikitang insipirasyon ng magkarelasyon ang isa’t isa.

Kung ano ba ang pangarap niya para kay EJ, ito naman ang sagot ni Jeanette ,”Kilala namin si EJ, ayaw niya ng what if; ang sa ‘min lang, keep his body healthy and go for the happiness that he wants.”

Hindi maiiwasang maihambing ng netizens sina EJ, Caroline at Jeanette sa kontrobersyal na pamilya ni Olympic double gold medalist Carlos Yulo at girlfriend niyang si content creator Chloe San Jose.

Tila hindi pa magtatapos ang mala-teleseryeng bangayan ng pamilya Yulo at ni Chloe.

Sabi nga ng netizens, sa halip na maging tulay para magkasundo muli si Carlos at kanyang pamilya, parang ginagatungan pa lalo ni Chloe ang iringan ng mag-anak.

Dapat kayang maging magkaibigan sina EJ at Carlos para mai-share ng World No. 3 Pole Vaulter ang kanyang tips kung paano magkaroon ng masayang pamilya kasama ang nobya? (ZIA LUNA)

 

 

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *