Thu. Nov 21st, 2024

INAASAHANG haharap ngayon si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagdinig sa Senado.

Lahat ng inihayag niya sa mga naunang pagdalo sa Senado ay nabistong pawang mga kasinungalingan,kaya malamang na hindi rin katotohanan ang kanyang ikakanta ngayon kahit pa ang estado niya sa kasalukuyan ay detenido na at bantay sarado pa ng mga awtoridad.

Sa lawak at lupit ng sindikatong kriminal na kanyang pinasok, hindi naman imposible na nasa panganib ang kanyang buhay.

Talagang mas nanaisin ng mga pangkat na ito na siya’y mabusalan habambuhay, nariyan ang “Chinese mafia” at maging ang ilang nakasabwat niya na dati at kasalukuyang mga opisyal ng gobyerno.

Lalo na ‘t kung may katotohanan ang akusasyon kay Guo na isang espiya ng Beijing sa Pilipinas bunsod ng mga naging ulat na ang kanyang amang si Jian Zhong Guo ay may kinalaman sa Chinese Communist Party (CCP).

May report na kakiskisang siko raw ng ama ni Jian ang mga indibidwal gaya nina Zhu Feng, director ng Coordination Department na may kaugnayan sa spy agency ng China; at Chen Congcong ng Maritime Association.

Ang mga naturang organisasyon, pati ang Philippine Chaotai Association ay bahagi umano ng united front, na nagsisilbi sa mga interes ng CCP sa ibang mga bansa.

Habang sa isang video na ipinaskil sa X (dating Twitter) ay ibinunyag na malaking pamilya ang Guo na nasa iba’t ibang bahagi ng Asya at nag-ugat sa Fujian, China, na hotbed umano ng united front work ng CCP.

Noong Mayo 2024 ay sinabi mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong: Marcos Jr, na maaaring isang security risk si Guo.

Sa artikulong Outlaw Alliance: How China and Chinese Mafias Overseas Protect Each Other’s Interests na iniakda ni Sebastian Rotella at inilalathala sa ProPublica noong 12 Hulyo 2023 , tinalakay ang mga pahayag ng national security officials na ang paglakas ng Chinese organized crime sa Europa ay nagpapakita ng kaugnayan sa Chinese state.

“As the regime of President Xi Jinping expands its international power, it has intensified its alliance with Chinese organized crime overseas. The Italian investigation and other cases in Europe show the underworld’s front-line role in a campaign to infiltrate the West, amass wealth and influence, and control diaspora communities as if they were colonies of Beijing’s police state,” ayon sa artikulo.

“Around the world, China’s shadow war of espionage, long-distance repression, political interference and predatory capitalism is drawing attention and alarm,” dagdag nito.

“Organized crime is doing services for the Chinese government” on both sides of the Atlantic, a veteran U.S. national security official said. “There are deals between organized crime and the Chinese government. The government tasks them to expand influence and become eyes and ears overseas. Once they get themselves established, there are locals they can corrupt. It’s a classic modus operandi.”

Magugulat pa ba tayo kung paano naging alkalde ng isang bayan sa Pilipinas si Guo noong 2022 mula sa pagiging isang inosenteng bata na nanggaling sa isang pobreng pamilyang Chinese na lumapag sa bansa at tumira sa isang bodega sa Valenzuela City noong 2003?

Sinabi ng source ng Balitang Klik, isang umano’y mababang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na may malakas na kapit sa ilang matataas na opisyal, na anak ng isang dating aktres ang nagkamada ng “The Great Escape” ng magkakapatid na Alice, Shiela, at Wesley Guo.

Private plane umano ang ginamit nila na nag-take-off sa isang lalawigan sa Central Luzon.

Ang masamang balita lang aniya ay nagbitiw na sa BI ang mababang opisyal at kamakailan ay sumibat na sa bansa kasama ang kanyang pamilya.

Talagang masahol pa raw sa buga ng Mt. Pinatubo ang galit ng isang opisyal ng administrasyong Marcos Jr. ng ipakita sa kanya ang intelligence report at video nang paglisan ng pamilya ni ex-BI exec.

Ngunit nasa loob pa raw ng bansa ang ilan niyang kasabwat.

ITUTULOY

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *