MALAPIT nang matapos ang imbestigasyon ng Department of Justice kaugnay sa pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, ayon kay Justice Assistant Mico Clavano.
Nakabalik na sa bansa ang pinatakas pero ang imbestigasyon ng DOJ sa kanyang pagpuga, nakabitin pa.
Isang araw bago ibalik sa Pilipinas si Guo mula sa Indonesia ay “bumula” ang bibig ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa galit sa Bureau of Immigration, na pinaniniwalaan niyang may kinalaman sa pagpuslit sa bansa ng reyna ng POGO.
Pero mukhang hindi tinablan si BI Commissioner Norman Tansingco sa ngitngit ng kanyang immediate boss, sa halip ay naglabas pa ng statement na ang pagbalik daw ni Guo ay isang mahalagang tagumpay ng justice system sa Pilipinas.
“The return of Alice Guo is a significant achievement for the Philippine justice system and highlights the effective collaboration between international counterparts and law enforcement agencies. This operation demonstrates our unwavering commitment to ensuring that justice prevails, no matter the boundaries,” sabi ni Tansingco.
Sa isang news forum kahapon, nagpahiwatig si Clavano sa tinutumbok ng imbestigasyon ng DOJ sa pagtakas ni Guo.
“We’re not only looking at the possibility of public officials aiding and abetting, but we’re also looking at private individuals as well,” aniya.
Kung ang source ng Balitang Klik ang tatanungin, tama naman daw si Clavano, may taga-gobyerno at mga pribadong indibidwal ang umayuda sa pagpuga ni Guo.
“Pasabog” daw ang mga detalye sa “The Great Escape” ng magkakapatid na Alice, Shiela at Wesley Guo.
Isang umano’y taga-BI na may koneksyon daw sa showbiz ang nag-facilitate ng flight ng Guo siblings sa isang private plane na pagmamay-ari ng kaibigan ng kanyang uncle.
Nakapasok umano siya sa kawanihan sa panahong ang kanyang nanay, na dating aktres, ay lover daw ng mataas na opisyal ng BI.
“Muntik pang maghiwalay ang noo’y BI executive at kanyang misis dahil sa affair nila ng aktres,” giit ng source.
ITUTULOY