UP for sale ngayon ang two-storey house ng pamilya ni Olympic double gold gymnast Carlos Yulo sa isang subdivision sa Anabu, Cavite.
Mismong ang kanyang inang si Angelica Yulo, has sounded off its sale bagama’t wala siyang binanggit kung ilang square meters ang nasasakupan nito, including the property value.
Pero ang sabi’y kumpleto raw ito sa gamit. On its walls pa nga raw hang Carlos’ framed pictures capturing his victorious moments.
Naka-tag ang post ni Angelica sa kanyang asawang si Mark Andrew.
The property for sale is believed to be the reason behind Angelica and Carlos’ money issues.
Doon daw kasi napunta ang perang hinahanap ni Carlos without him knowing na in-invest ito ng ina.
‘Yun naman daw kasi ang kabilin-bilinan ni Angelica, na sa tuwing magkakamit ng cash incentives ang kanyang mga anak sa mga kumpetisyong sinasalihan ng mga ito’y matutong magpundar.
Magsisilbi daw kasing remembrance ang anumang gamit o ari-arian acquired from their winnings.
Mukha namang hindi magiging isyu ang mapagbebentahan ng bahay na ‘yon sa Imus, presumably with Carlos’ blessing.
Naka-base nga naman ang Yulo family sa Leveriza, Manila–so sino ang titira doon?
Lalong malabong doon tumira si Carlos now that he already has a P32M fully furnished condo unit. Puwera pa rito ang insentibong house and lot sa Batangas at resthouse sa Tagaytay.
It’s but practical to sell the Imus property, and since Carlos has a lot of moolah–let the sale of the house go to his family.
Gasino na lang ‘yon?