Tue. Sep 17th, 2024

📷Katrina Paula | Facebook

 

IF it were not for her co-star Katrina Paula, former fellow sexy star Sabrina M would not have landed an important role in Jeric Raval’s latest film.

Si Kat kasi ang nagrekomenda sa kanyang kaibigan para sa pelikula.

Pero nakasama pa ang pagmamagandang-loob niya, as evidenced in a “scene” staged by Sabrina during the film’s premiere night.

Todo parinig daw kasi ang ginagawa ni Sabrina sa kanya, saying: “Pag asensado ka na sa buhay, dapat ‘yung dalawang paa mo, nakatapak sa lupa!”

Katrina couldn’t help but get stunned. Ni minsan daw sa tansng buhay niya, her life successes have never gone up to her head.

Kung hindi pa nga kami nag-usisa, we wouldn’t have known na nakapundar na ng sariling bahay ang dating sexy star, who also owns a building.

Maging ang apat na anak ni Katrina ay may maayos na buhay–her eldest son is a pilot, her daughter Athena is with the media while her two other children are enrolled at the UST.

“Ang akin lang, bold star na nga ako noon so I might as well improve the quality of my life,” giit ni Katrina.

Also, having left her sexy image behind ay dapat na hindi nag-aaaway-away silang mga nasadlak sa ganoong imahe: “Para sa akin, ang mas magandang pag-usapan ay ‘yung mga achievements namin sa buhay, what we have become even if we chose to go daring before.”

Ayaw na nga sanang isa-isahin ni Katrina ang lahat ng mga naitulong niya kay Sabrina lalo na noong mga panahong the latter got involved in drugs.

“Before the pandemic, I bailed her out of jail. Nakulong siya for two and a half years. ‘Yun din naman ang binitawan kong pangako sa kanya, sabi ko, ilalabas ko siya pag naibenta ko ‘yung bahay ko sa Parañaque.”

Ultimo bra’t panty ni Sabrina–which she wore since Day 1 until her release from jail–ay galing kay Katrina.

No wonder daw, a handful of fellow sexy stars have turned hostile toward Sabrina: “Pag ganoong ang dami mong kaaway, ikaw na ang may diperensya!”

How do you solve the problem like Sabrina? (RONNIE CARRASCO III)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *