Tue. Sep 17th, 2024

“SANA all!”

Ito ang pabirong sambit ni Cristy Fermin in a recent episode of her radio program makaraang ibasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang cyber libel case which Bea Alonzo had lodged against her former househelp.

Hindi umano nakitaan ng sapat na ebidensya ang reklamo ng Kapuso actress laban kay Flor Magallon.

Why “sana all”?

Ito lang naman ang wishful thinking ni Cristy who–along with her co-radio anchor Rommel Tsika–is facing the same charge by Bea.

Si Flor ang sinasabing nobya ng dating namasukang driver ni Bea na si Efren Torres de los Santos.

Efren filed a labor case against Bea with the National Labor Relations Commission (NLRC) dahil umano sa ‘di pagbibigay sa kanya ng kaukulang sahod including his 13th pay, night differential, overtime pay, holiday pay at iba pa.

While Cristy wishes na ma-dismiss na rin ang cyber libel case na isinampa ni Bea laban sa kanila, ayaw niyang pangunahan ang piskalya.

Ani Cristy, matatanggap naman daw niya if the decision won’t turn in their favor sa ngalan ng hustisya.

Aside from Bea, may hiwalay ring kasong inihain ang dating nobyo nitong si Dominique Roque laban kay Cristy.

Puwera pa rito ang asunto ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.

Bukod pa ang isinampa ng ina ni Sarah Lahbati.

“Quotang-quota” ka na, Tita Cristy! (RONNIE CARRASCO III)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *