Fri. Nov 22nd, 2024
Ex-Pres. Rodrigo Duterte

HINDI tatangkilikin ng mga taga-Mindanao ang isinusulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “One Mindanao” o ang pagtatayo ng hiwalay nilang republika dahil wala naman silang napala sa anim na taong administrasyong Duterte.

“Kahit noong panahon ni Digong, wala naman masyadong nangyaring development sa Mindanao. ‘Yung pinakamataas na self-rated hunger is still in Mindanao. So six years kang presidente, ‘yung anak mo nakakuha ng P51-B , tapos gutom pa rin ‘yung mga Mindanaoan, tingin mo sasama sa iyo ‘yan para mag-secede? Are you crazy?” sabi ni dating Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas sa Richard Heydarian vlogs.

Naniniwala si Llamas na hindi ang China ang nag-udyok kay Duterte sa planong “One Mindanao” dahil may kinakaharap na mga internal na problema ang Beijing.

Wala na rin aniyang bilib ang mga Pinoy dahil sa anim na taong pananatili sa poder ni Duterte bilang pro-China, wala namang nakitang naibigay na malaking tulong ang Beijing sa Pilipinas .

“Kahit buhusan ng pera ‘yan ng China, hindi nila kayang gawin ngayon dahil marami silang economic problems. Marami silang internal problems. Nagpe-purging sila ng mga heneral. Kahit sobrang malaking conspiracy theory, alam ko nakikialam ang China, pero I doubt kung itong nangyari sa Davao ay sila ang nagplano. Una dahil alam ko kung sino ang nagplano. Siguro later they will support it lahat ng iyan. Pero hindi ako naniniwala na deus ex machina, na ang Communist Party of China ang nagplano ng lahat ng ito. Tutulungan nila, Susuportahan nila, I-encourage nila pero iba ang nagplano nito,” paliwanag ni Llamas.

“They are reaping the whirlwind dahil walang nakitang projects for the past six years. Nag-unravel din ‘yung kanilang political narrative ng China. Kung mayroon silang napatayuang isang fast train,mayroon silang napatayo na industrial estate etc, mayroon kang makikitang tatlong big ticket projects na makikita ng mga tao, mag-iiba ang pagtingin sa China. So they missed the boat.  You have a very popular president na sobrang pro-China more that any president sa kasaysayan ng Pilipinas, tapos sinayang mo. Ni hindi mo natulungan,” dagdag niya.

Mahihirapan aniya ang China sakaling magtangka itong maghabol dahil iba na ang presidente ng bansa.

“At ngayon kahit sinusubukan nilang maghabol, hindi na ganoon kadali dahil iba na ‘yung gobyerno di ba? Kung magpapasok ka ng proyekto dadaan pa rin iyan sa gobyerno, dadaan yan sa NEDA. Dadaan yan sa DOF, dadaan yan sa presidente  so mahihirapan na sila.” (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *