Sat. Nov 23rd, 2024

Kinumpirma ng Philippine Airlines na ang flight PR102 papuntang Los Angeles ay hindi na nakapag-take-off dahil sa isang teknikal na isyu.

Ayon sa ilang pasahero, umatras ang flight PR 102 sa Ninoy Aquino International Airport sa bay 6 kagabi habang ito ay umaadar patungo sa taxi way bilang paghahanda sa take-off ng 10:22 kagabi.

Isang malakas na tunog na nagmumula sa makina na naging sanhi ng biglaang pag-preno ng piloto upang pigilan ang paglipad ng sasakyang panghimpapawid.

Lahat ng 361 na pasahero ay ligtas na nakababa sa eroplano matapos umanong sumabog ang hulihang bahagi gulong nito.

Agad din daw binigyan ng hotel accomodations ang mga pasaherong naapektuhan ng insidente.

isang kapalit na flight patungong Los Angeles ang isinaayos upang mailipad ang mga pasahero ng nakanselang flight kung saan nakatakdang umalis ng alas 2:00 ng hapon ngayong araw.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *