Thu. Sep 19th, 2024

ILULUNSAD ng Commission on Human Rights (CHR) ang information campaign hinggil sa usapin ng red-tagging.

Sa video advertisement na ipinaskil ng CHR sa X , ipinakita ang mga lata na walang label at sa bandang huli ay may kamay na humawak sa isang lata at nang bitawan ay may naiwang mga markang pula hanggang sa natumba ito.

Caption ng CHR sa patalastas:

“Sabi nga nila, check the label first or don’t label at all… lalo na kung wala tayong basehan. True? True!

Kaya naman ang CHR ay mag-oorganisa ng isang Public Inquiry on Red-Tagging upang pag-usapan, bigyang linaw, at nawa’y bigyang solusyon ang mga iba’t ibang isyu at usapin na umiikot sa red-tagging. Magaganap ang unang sesyon ngayong ika-29 hanggang ika-30 ng Hulyo 2024 sa tanggapan ng Komisyon,

Inaanyayahan namin ang bawat isa na MAKISANGKOT, MAKIISA, at MAKIBAHAGI sa isang makabuluhang diskusyon at talakayan patungkol sa red-tagging.”

Idineklara ng Korte Suprema noong 8 Mayo 2024 na ang red-tagging o pagdawit sa isang indibindwal sa kilusang komunista ay nagdudulot ng “threats to a person’s right to life, liberty, or security.”

Sinabi sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman, “labelling a person ‘red’ often comes with frequent surveillance, direct harassment, and in some instances, eventual death.”

Ilang reklamo at mga kaso kaugnay sa red-tagging ang nakabinbin sa CHR at iba pang ahensya ng pamahalaan laban sa mga opisyal ng militar at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na isinampa ng mga miyembro ng progresibong grupo at mga mamamahayag.  (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *