Thu. Sep 19th, 2024

Isa si Ai Ai de las Alas sa mga labis na natutuwa para kay Carlos Yulo sa naging performance nito sa Paris Olympics.

Pero kasabay ng pagbubunyi ng Comedy Queen ay ang unsolicited advice para sa nobya nito na si Chloe San Jose.

Higit pa roon ay agad nakaagaw ng pansin kay Ai Ai ang baba nito na nasa balikat ni Carlos.

“Mag-oopinyon lang ako,” pasintabi ng komedyana, “Na-off kasi ako du’n sa baba ni ate girl na nakasandal sa balikat ni baby boy…buti pabilog ang baba niya!”

Dahil kung baba raw ni Ai Ai na patulis ang hugis ang nasa balikat ni Carlos: “Patay! Sabog ang balikat ni baby boy!”

Which leads actually to Ai Ai’s main message for Chloe.

“Pag ganu’n, huwag na sana medyo sumasali sa eksena kasi Olympian si baby boy, eh!”

Kung maaari daw kasi, “Sana du’n ka man lang sa side ng darling mo!”

Ang ibig sabihin ng komedyana’y ibigay sana ni Chloe ang moment na ‘yon sa two-time gold medalist dahil ito naman ang talagang bida.

Nakiusap din si Ai Ai sa press na nag-interview kay Carlos.

Sana raw ay hindi na tinanong ito tungkol sa personal nitong buhay: “Kasi hindi naman showbiz ‘yung bata. At saka nalalagyan lang tuloy ng intriga.”

Inevitable naman ang pag-usisa kay Carlos ng tungkol sa buhay nito involving his family matapos “umeksena” rin ang nanay nitong si Angelica.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *