SINAMPAHAN ng reklamong paglabag sa Violence Against Women and their Children #VAWC Act at concubinage o pagtataksil si Olympic bronze medalist Eumir Marcial ng kanyang misis kahapon.
Sa panayam sa News5 ay sinabi ni Princess Marcial na natuklasan niyang may ‘kabit’ si Eumir matapos ang kanyang kampanya sa Paris Olympics noong nakaraang taon.
“Na-confirm ko na talagang nagsasama na sila (nung babae)… Kinuha niya rin po lahat nung savings namin… Nalaman ko na nagpapatayo siya ng bahay para sa babae… Sobra na ‘yung pambabastos na ginawa niya. Hindi man lang ako iniwan ng kaunting respeto.”
Ikinuwento ni Princess na sinasaktan siya ng boksingero at may ilang larawan siyang magpapatunay ng pananakit sa kanya ng mister.
Inilahad ni Princess sa isang mahabang Facebook post ang kanyang dinanas sa piling ng atleta.
Matapos manalo ni Eumir ng bronze medal sa Tokyo 2020 Olympics ay ikinasal sila noong 2021
Wala pang pahayag ang kampo ni Eumir sa kaugnay sa reklamo ng kanyang misis. (ZIA LUNA)