Sat. Jan 11th, 2025

πŸ“·Ruby Rose Barrameda

 

PERSONAL na kinilala ng aktres na si Rochelle Barrameda si Lope Jimenez, suspect sa pagpatay sa kapatid niyang si Ruby Rose Barrameda, matapos itong maaresto ng mga kagawad ng Quezon City Police District sa kasong ng pagkidnap, pagnanakaw, at pagpatay sa isang negosyanteng nawala noong Enero 5, 2025.

Mahigit isang dekadang wanted si Jimenez, may-ari ng Buena Suerte Jimenez fishing company sa Navotas City, Β sa Ruby Rose murder case at ginamit ang mga alias na “Victor Vidal Duenas” at “James Paul Dwight” habang nagtatago.

Nabatid na ang umano’y pinakahuling biktimang negosyante ni Jimenez ay isinilid sa drum at ibinaon sa isang lugar sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Parehong paraan ang ginamit sa pagpaslang kay Ruby Rose noong Marso 2007, inilagay sa drum na binuhusan ng semento at itinapon sa karagatan ng Navotas ngunit natagpuan lamang noong 2009 makaraang madakip ang isa sa mga suspect at ikinanta ang krimen.

Itinanggi ng akusado na siya si Jimenez na sangkot sa pagpatay kay Ruby Rose.

Nanindigan naman si Rochelle na si Jimenez ay tiyuhun ng esposo ni Ruby Rose.

β€œSiya ang uncle ng husband ni Ruby Rose,” pahayag ni Rochelle sa panayam ng PEP.ph

β€œSiya ang nagtago ng napakatagal at isa sa mga suspect sa karumal-dumal na pagpatay sa kapatid kong si Ruby Rose Barrameda, isinilid sa drum, sinemento at itinapon sa dagat ng Navotas nu’ng March 14, 2007.”

β€œHindi ka puwedeng magtago habang buhay, kahit magpalit ka ng identity. Demonyo ka! Mamamatay tao!” sabi ni Rochelle kay Jimenez.

Matatandaan na si Jimenez ang inginusong umano’y Β mastermind sa Ruby Rose murder ng isa sa mga suspect na si Manuel Montero, na itinuro naman ng umano’y suspect na si Rommel Lirazan. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *