BINATIKOS nina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at dating ACT Teachers Cong. Antonio Tinio ang pagiging inutil ng administrasyong Marcos Jr. sa patuloy na paglobo ng antas ng kahirapan sa bansa.
Ang pahayag ng dalawang teacher-solon ay kasunod ng inilabas na resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na ang self-rated poverty sa Pilipinas ay umabot na sa 63% sa huling quarter ng 2024, pinakamataas sa nakalipas na mahigit dalawang dekada.
“Amidst rising costs of basic goods and services, the Marcos administration remains passive, leaving the Filipino people to fend for themselves,” sabi ni Castro.
Tumaas aniya ang singil sa kuryente, tubig at presyo ng produktong petrolyo, nadagdagan din ang mandatory contribution sa Social Security System (SSS) at nakaamba ang umento sa pasahe sa LRT pero ang sabi lang ng Malacañang ay magtiis.
Labis ang pagkadismaya ni Castro sa uri ng pamahalaan na manhid sa pagdurusa ng mga mamamayan.
“Electricity, water, and fuel prices are skyrocketing, LRT fares are set to climb, and SSS premiums are increasing, yet Malacañang tells us to just endure it. What kind of government allows its people to suffer like this?” aniya.
“Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, nananatiling walang ginagawa ang administrasyong Marcos, hinahayaan ang mga Pilipino na magdusa,” ani Castro.
“Sumisipa ang presyo ng kuryente, tubig, at langis, tataas ang pamasahe sa LRT, at ang premium ng SSS, pero sinasabi ng Malacañang na pabayaan muna. Anong klaseng gobyerno ang pumapayag na maghirap ang kanyang mamamayan?”
Binigyan diin ni Tinio ang pangangailangan sa pangmatagalang solusyon sa kahirapan dahil hindi sapat ang pansamantalang ayuda.
“The government’s current approach is inadequate. We need a national industrialization plan that will create stable jobs, provide livable wages, and support our farmers. Band-aid solutions like temporary aid are not enough. The government must address the root causes of high prices and question the oil companies’ manipulation of fuel prices.”
“Kailangan natin ng pangmatagalang solusyon sa kahirapan, hindi lang mga pansamantalang ayuda,” giit ni Tinio.
“Ang kasalukuyang solusyon ng gobyerno ay hindi sapat. Kailangan natin ng planong pambansang industriyalisasyon na lilikha ng regular na trabaho, nakabubuhay na sahod, at suporta sa mga magsasaka. Hindi sapat ang mga band-aid solution. Dapat tugunan ng gobyerno ang ugat ng mataas na presyo at imbestigahan ang paglalaro ng mga kumpanya ng langis sa presyo ng petrolyo,” dagdag niya.
“Ibasura ang Rice Tariffication Law at ibalik sa kagyat ang original function ng National Food Authority. Hindi uubra ang P60 maximum suggested retail price ng bigas, lalo pa ito nag- aanyaya ng pagsasamantala,” hirit naman ni Castro.
Kapwa nanawagan sina Castro at Tinio ng kagyat na aksyon ng pamahalaan upang maibsan ang paghirap na kinakaharap ng mga Pinoy, lalo na sa mga rehiyon sa Mindanao na ang self-rated poverty ay pinakamataas sa 76%.
“The government must act now to prevent further suffering. We demand immediate interventions to control the rising prices of essentials and to review economic policies that have failed our people,” anang dalawang teacher-solons.
“Dapat kumilos na ang gobyerno ngayon para maiwasan ang karagdagang pagdurusa. Nananawagan kami ng agarang aksyon para kontrolin ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at suriin ang mga patakarang pang-ekonomiya na hindi nakatulong sa ating mga kababayan,” pagtatapos nina Castro at Tinio.#