TULOY ang pamumudmod ng mga ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos i-exempt ng Commission on Elections (Comelec) sa election ban.
Naglatag ng mga kondisyon si Comelec chairman George Garcia matapos irekomenda ng Comelec law department ang pag-apruba sa pakiusap na isinumite ni DSWD Secretary Rex Gatchalian para ma-exempt sa election ban ang 28 DSWD projects.
Batay sa Comelec Resolution 11060 ipinagbabawal ang “disbursement or expenditure of public funds for social services from March 28 to May 11, or 45 days before the elections.”
Habang ang AICS, binigyan diin ng Comelec na dapat ay walang maganap na pamamahagi ng pondo mula May 2 hanggang 12, “except those which are normally given to qualified individuals such as, but not limited to basic needs in the form of food, transportation, medical, educational, burial, and other similar assistance.”
Muling mag-iisyu ang DSWD ng guarantee letters, ngunit pansamantalang sinususpinde ang “outright cash aid.”
“No candidates/politicians during the distribution of ayuda in whatever nature/form,” tugon ni Garcia sa rekomendasyon ng Comelec law department.
Kailangan aniya bigyan ng DSWD ng kopya ang Comelec ng guidelines upang makita kung tumatalima ang mga kagawaran sa alintuntunin.
Dapat din magsumite ang DSWD ng isang ‘periodic written report of the disbursements made.’
Ayon sa Comelec, kahit may certificate of exemption, hindi ito puwedeng idahilan para maiwasan ang imbestigasyon kapag may mga paglabag.
Kabilang sa mga proyekto ng DSWD na inihingi ng exemption sa Comelec at halaga ng ponding ipamimigay para rito ay:
- Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), P38.4 bilyon
- Sustainable Livelihood Program (SLP), P511 milyon
- Services for Residential and Center-based Clients, P33.4 milyon
- Supplementary Feeding Program (SFP), P96.9 milyon
- Social Pension for Indigent Senior Citizens, P401.6 milyon
- Implementation of RA No. 10868 or the Centenarians Act of 2016, P15.175 milyon
- Protective Services for Individuals & Families in Especially Difficult Circumstances –COMBASED, P29.4 milyon
- Protective Services for Individuals & Families in Especially Difficult Circumstances- PROPER, P2.089 milyon
- Services for Displaced Persons (Deportees), P4.002 milyon
- Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons, P628,200
- Assistance for Persons with Disability & Senior Citizens, P380,580
- National Household Targeting System for Poverty Reduction, P1,513,436.51
- KALAHI-CIDSS-KKB, P257.79 miyon
- Philippines Multi-sectoral Nutrition Project, P44.35 milyon
- Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (BangUn), P123.26 milyon
- PAMANA- Peace and Development, P47.298 milyon
- PAMANA- DSWD/ LGU Led Livelihood, P534.289 milyon
- Pag-Abot Program, P500.37 milyon
- Philippine FOOD STAMP Program/ Walang Gutom Program (WGP), P7.254 bilyon
- Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), P882.974 milyon
- KALAHI CIDSS-National Community-Driven Development Program- Additional Financing (NCDDP-AF), P564,633.36
- Beneficiary FIRST Project (BFIRST), P238.7 milyon
- TRUST RECEIPT, P395.65 milyon
- TARA BASA! TUTORING PROGRAM, P1.081 bilyon
- Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP)- National Program Management Office, P4.645 milyon
- Social Technology Development and Enhancement, P32.5 milyon
- Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), P7.585 bilyon
- Financial Assistance that are routinary and normally given by the Department to qualified individuals (May 2-12, 2025), P3.075 bilyon (ROSE NOVENARIO)