Mon. Jan 6th, 2025

IKINAGALAK nina House Deputy Minority Leader France Castro at dating ACT Teachers Representative Antonio Tinio ang mga ulat na suportado ng majority coalition members sa Mababang Kapulungan ang ika-apat na impeachment complaint na ihahain bukas, Enero 6, laban kay Vice President Sara Duterte.

“We welcome this fourth impeachment complaint. Ang pagkakaiba nito sa mga naunang complaints ay ang substantial na suporta mula sa majority coalition members,” sabi ni Castro.

Ayon sa teacher-solon, kahit wala pang eksaktong detalye kung anong sektor ang maghahain ng fourth impeachment complaint, nakatanggap siya ng report na aabot sa 10 hanggang 12 kongresista ang mag-eendorso nito.

“Hindi pa natin alam kung anong sektor ang maghahain, pero ang mahalaga ay ang unprecedented na suporta mula sa ating mga kasamahan sa Kongreso.”

Binigyan diin ni Tinio ang kahalagahan ng pagsuporta ng majority coalition members sa complaint.

“While there’s technically no difference whether majority or minority endorses an impeachment complaint, malaki ang impact nito sa dynamics ng Kongreso kapag may substantial support mula sa majority coalition,” paliwanag ni Tinio.

“The fact that 10-12 representatives are willing to endorse this fourth complaint suggests a possible shift in the House leadership’s stance. Para itong go-signal mula sa majority leadership,” dagdag niya.

Para kay Castro, ang kaganapang ito ay indikasyon ng lumalakas na disgusto kay VP Sara, partikular ang kontrobersyang bumabalot sa kanyang performance at paggasta sa pondo ng bayan.

“Ang ganitong level ng suporta ay hindi basta-basta. It reflects serious concerns about VP Sara’s actions and use of confidential funds,” giit ni Castro.

“We await tomorrow’s filing and hope this leads to a faster processing of impeachment complaints  against the Vice President. Dapat masusing suriin ang mga alegasyon at mabigyan ng hustisya ang taumbayan,” wika niya. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *