Mon. Jan 6th, 2025

IPINAGTANGGOL ni National Security Adviser Eduardo Año ang ginawang reorganisasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Security Council (NSC) dahil hindi ito aniya ang unang pagkakataon na ginawa ito ng presidente ng bansa.

“President Ferdinand E. Marcos reorganized the NSC under EO 396 in 1972, President Corazon Aquino reorganized the NSC under EO 115 in 1986 and EO 292 in 1987, President Fidel V. Ramos reorganized the NSC under EO No. 33 in 1992, while President Gloria Macapagal-Arroyo reorganized the NSC under EO No. 34 in 2001,” sabi ni Año sa isang kalatas ngayong Biyernes, Enero 3.

Paliwanag niya kailangang paigtingin ang seguridad ng bansa kaya inilabas ni Marcos Jr. ang  Executive Order (EO) No. 81.

Alinsunod sa EO 81, inalis bilang miyembro ng NSC sina Vice President Sara Duterte at ilang dating pangulo, kabilang ang kanyang ama na si Rodrigo Duterte, Gloria Macapagal-Arroyo at deposed president at convicted plunderer Joseph Estrada.

Para kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi mahalaga ang bise presidente sa NSC.

“At the moment, the VP is not considered relevant to the responsibilities of membership in the NSC,” ani Bersamin. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *