Wed. Jan 8th, 2025

đź“·Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel

 

ANG pag-alis ng mga label ng bigas ay hindi magpapababa ng mga presyo o makikinabang ang mga mamimili. Ito ay isang desperadong hakbang na walang silbi upang matugunan ang hoarding, profiteering, at ang sirang pangako na ibaba ang presyo ng bigas sa Php20 kada kilo, ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairperson at Makabayan senatorial candidate Danilo Ramos.

Sinabi ni Ramos na ang  hakbang na ito ay isang mababaw na pagtatangka upang tugunan ang pagmamanipula ng presyo habang binabalewala ang matagal nang mga isyu na sumasalot sa industriya ng bigas.

“Ang panukala ng DA na alisin ang tatak at label sa imported na bigas ay patunay ng kakulangan nito sa komprehensibong solusyon laban sa manipulasyon sa presyo. Hindi labeling ang problema, kundi ang kawalan ng aksyon laban sa rice cartel, hoarders at profiteers. Mismong ang patakaran ng gobyerno sa importasyon at nagbigay ng kapangyarihan sa kartel at importer,” giit ni Ramos.

Ang palusot aniya ng DA—na ang mga mangangalakal ay nililinlang ang mga mamimili gamit ang branded na bigas—ay sumasalamin sa kabiguan nitong i-regulate at subaybayan ang supply chain nang epektibo.

Binigyan diin ni Ramos na ang mga imported na bigas, kahit na walang branding, ay mananatiling napapailalim sa parehong hindi makontrol na mga gawi ng mga profiteer at kartel. Samantala, ang mga lokal na magsasaka ay hinahayaang pasanin ang hilig ng isang pamahalaan na mas nakatuon sa pag-import kaysa sa pagsuporta sa domestic production.

Higit pa rito, ang pagiging “malambot” ng gobyerno sa mga tusong mangangalakal, hoarder, at profiteer, gayundin ang kawalan ng kakayahan ng Department of Agriculture na sugpuin ang rice cartel, ay lalong nagpapalalim sa krisis, ani Ramos.

Sa halip na gumawa aniya ng mga mapagpasyang aksyon laban sa mga mapagsamantalang gawi na ito, pinipili ng DA ang mababaw na solusyon na hindi nagbibigay solusyon sa sa ugat ng problema.

Kinatigan ng KMP ang puna ng Bantay Bigas na labis na pagsandal ng gobyerno sa importasyon at “mapanlinlang” na mga programa tulad ng “Sulit Rice” at “Nutri Rice.”

Ang mga inisyatibang ito, anila, na inilunsad sa mga Kadiwa center, ay nabigong matugunan ang mga ugat ng mataas na presyo ng bigas at ang pagbaba ng suporta para sa lokal na produksyon ng palay.

Hinihimok ng KMP ang pamahalaan na tumuon sa mga kongkretong solusyon tulad ng pagtaas ng presyo ng farmgate para sa lokal na palay, pagpapalakas ng mga pasilidad pagkatapos ng ani, at paggigiit ng mga hakbang sa pagpaparusa laban sa mga abusadong mangangalakal at importer ng bigas.

Tiniyak ng KMP na isusulong ang kanilang kahilingan kahilingan na ipawalang-bisa ang Rice Liberalization Law, na nagpalala lamang sa kalagayan ng mga Pilipinong magsasaka at mga mamimili.

“To the DA and Malacanang, enough with the band-aid solutions. The government must overhaul its failed agricultural policies and put Filipino farmers and productive sectors at the center of its economic agenda,” wika ni Ramos. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *