📷NBI
Sumuko ang aktres na si Rufa Mae Quinto sa National Bureau of Investigation ngayong Miyerkoles sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, halos isang buwan matapos kompirmahin ng kanyang kampo ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa komedyante dahil sa umano’y investment scam.
Dumating si Quinto sa Ninoy Aquino International Airport kasama ang kanyang pamilya bandang alas-singko ng umaga.
Nakipag-ugnayan ang kanyang abogado sa mga awtoridad para sa kanyang pagsuko, sabi ni NBI International Airport Investigation Division Chief Jimmy De Leon.
Dadalhin aniya ang aktres sa korte sa Pasay na naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.
Si Rufa Mae Quinto ay may warrant of arrest sa Dermacare, sabi ng abogado
Kinasuhan si Quinto ng 14 counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code kaugnay ng mga kasong isinampa ng mga investors laban sa skin care company na Dermacare.
Sinabi ng aktres na siya ay “biktima rin” ng diumano’y scam.
Sinabi ni Rufa Mae Quinto na siya ay ‘biktima’, at ‘maghahanap ng hustisya’ sa mga kasong kinakaharap.
“I have no connection whatsoever to any fraudulent activity and I categorically deny these baseless accusations,” naunang sinabi ng aktres. (ZIA LUNA)