Wed. Jan 8th, 2025

BINATIKOS ni dating Bayan Muna Rep.Neri Colmenares ang napakalaking pagkakaiba ng milyun-milyong pisong suweldo ng mga opisyal ng Social Security System (SSS) sa mistulang limos na natatanggap na pension ng mga miyembro nito.

“It is revolting to see SSS officials receiving astronomical salaries while our pensioners are forced to survive on P1,200 monthly pension for 10 years of service or P2,400 for 20 years. Their CEO alone receives P8.7 million annually while their Executive VPs get around P7 million each,” sabi ni Colmenares.

“Nakakagalit na habang ang mga opisyal ng SSS ay naghahati-hati sa P137.9 million na taunang sahod at benefits, ang mga pensyonado natin ay P40 lang ang pang-araw-araw na budget kung may 10 years credited service, o P80 kung may 20 years. Kayang mabuhay ng mga opisyal ng SSS sa ganitong halaga?” giit niya.

Batay sa datos ng pamahalaan, tumatanggap si dating SSS President/CEO Rolando Macasaet ng P8.78 milyon bawat taon  habang ang Executive Vice President gaya nina Elvira Resare ay sumasahod ng P7.17 milyon at Rizaldy Capulong, P7.08 milyon.

Maging ang Senior VPs ay tumatanggap ng P5-6 milyon bawat taon.

“Manhid ang SSS officials kung magtaas sila ng contribution rate sa mga miyembro habang nagpapakasarap sila sa milyun-milyong sahod. The sheer insensitivity is staggering. They’re living luxuriously off workers’ mandatory contributions while giving poverty pensions in return,” binigyan diin ni Colmenares.

“Hindi katanggap-tanggap na ang mga opisyal ay kumikita ng mahigit P600,000 monthly samantalang ang mga pensyonado ay P1,200 lang kada buwan. That’s a 500:1 ratio between what officials earn versus what pensioners receive,” dagdag niya.

Hindi naman aniya ginagawa ng maayos ng mga opisyal ng SSS ang kanilang trabaho at sa katunayan, sa 2023 report ng Commission on Audit (COA), nabigo ang SSS na kolektahin ang P93.7 bilyon mula sa 420,267 employers na hindi nag-remit ng SSS premiums ng kanilang mga empleyado ng mahigit limang taon.

Ani Colmenares, mas mainam na singilin muna ng SSS ang utang ng mga employer sa halip na magpataw ng dagdag na kontribusyon sa kakarampot na sahod ng mga manggagawa.

“And they’re not even doing their jobs well. In 2023 COA reported that SSS has not collected P93.7 billion from 420,267 employers who did not remit the SSS premiums of their employees for more than 5 years. Why collect new contributions when SSS can’t even collect the premiums from employers. Singilin nyo muna ang lumang mga singilin kesa mag pataw ng bagong singilin sa gitna ng mababang sahod ng ating manggagawa,” sabi ng betranong labor rights advocate.

Nauna rito’y tinuligsa niya ang anunsyo ng SSS kamakailan na pagtaas ng kontribusyon sa 15% simula Enero 2025 habang binabalewala ang panawagan sa umento sa pension.

“Ang SSS ay dapat nagsisilbi sa mga manggagawa, hindi nagpapayaman sa mga opisyal nito. We demand not just a thorough audit of these excessive salaries and benefits, but an immediate P1,000  pension increase,” pagtatapos ni Colmenares. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *