Mon. Jan 6th, 2025

đź“·FOX 11 Los Angeles | Facebook

 

PORMAL nang kinasuhan ang isang 23-anyos na lalaki kaugnay sa pagpatay sa tatlong miyembro ng pamilyang Pinoy sa kanilang tahanan sa Baldwin Park, California.

Inanunsyo ni Los Angeles County District Attorney Nathan Hochman ang mga kaso laban sa 23-anyos na si Kyle Chester De Los Reyes, na inakusahan ng pagpatay sa tatlo sa kanyang pamilya: 8-anyos na si Mia Chantelle Narvaez, 16-anyos na si Paul Sebastian Manangan , at 44-anyos na si Rona Nate noong Disyembre 26.

Si De Los Reyes ay nahaharap sa “three counts of murder with special allegations of using a deadly weapon and committing multiple murders.”

“My office will work tirelessly to ensure that justice is served in this devastating act of violence, which has shaken our community and left a family forever changed,” sabi ni Hochman sa isang kalatas

”Violent crime not only robs us of innocent lives but also threatens the very fabric of our community. Let this be a clear message: those who commit heinous acts of violence will be held accountable to the fullest extent of the law,” dagdag niya.

Ang kalunos-lunos na insidente ay naganap sa 4700 block ng Bogart Avenue at ayon sa mga imbestigador, sinaksak ni De Los Reyes ang mga miyembro ng kanyang  pamilya hanggang sa mamatay bago nagtangkang tumakas sa pinangyarihan ng krimen.

Siya ay dinakip matapos mabangga ang kanyang sasakyan sa bakod ng isang kapitbahay sa sa isang dead-end na kalye.

Nakakulong na si De Los Reyes at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamanatalang paglaya.

Nakatakda siyang iharap sa arraignment sa Enero 15 sa Los Angeles County Superior Court sa Pomona Branch. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *