📷BAYAN chairperson Teddy Casiño
HIHIMUKIN ng iba’t ibang grupo at inbidwal na naghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara sa Mababang Kapulungan ang mga botante na iboto ang mga kandidato sa pagka-senador na papabor sa pagpapatalsik sa bise presidente.
“Magiging usapin ang impeachment sa eleksyon. We will have to shift the campaign para ipanalo ang mga senador na pro-impeachment. Magiging usapin sa eleksyon at manghihikayat tayo ng mga mamamayan na iboto ang mga senador na mag-i-impeach kay Sara Duterte,” sabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) chairperson Teddy Casiño,isa sa mga naghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara.
Ayon kay Casiño, bukas sila sa posibilidad na ang impeachment trial ay umabot sa 20th Congress o pagtapos ng 2025 midterm elections kaya’t maaaring maging isyu ito sa halalan.
“The complainants are united in calling on Congress to take action on our impeachment complaints as soon as possible and consolidate them, whether they will support just one during the allotted session days until February 7,” ani Casiño.
“We want Speaker Martin Romualdez to send our complaints to the committee on justice so that they can be discussed and decided on. Next week, we will ramp up our efforts to have Congress take action on this,” dagdag niya.
Maglulunsad sila ng serye ng pagkilos, sa Enero 18, 25, 27 at 31, upang igiit sa Kongreso na aksyonan ang tatlong nakabinbin na impeachment complaint laban sa bise president.
Maglalabas aniya ng joint statement ang kanilang grupo kasabay ng idaraos na press conference kasama ang complainants atendorsers ng impeachment complaints. (ROSE NOVENARIO)