Senate President Francis “Chiz” Escudero
UMAASA si Senate President Francis “Chiz” Escudero na magdudulot ng paghilom, pagkakaisa, at pagkakaunawaan ang isinasagawang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations kaugnay sa pagdakip kay dating Pangulong Rodrigo Duterte batay sa inilabas na arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity of murder.
“Nais natin na ang hearing ay magdulot ng paghilom, pagkakaisa, at pagkakaunawaan. Hindi dagdag gulo at constitutional crisis at dagdag kaso na naman,” sabi ni Escudero sa panayam sa DZBB kahapon.
Inamin ni Escudero na mayroon siyang mga nilagdaang subpoena batay sa kahilingan at rekomendasyon ni Sen. Imee Marcos, chairperson ng komite, para sa susunod na pagdinig ngunit hindi niya tinukoy ang mga pangalan at tanging naaala lamang niya ay si CIDG chief Gen. Nicholas Torre.
Nakahanda ang Senate President sa magiging tugon ng Executive department kung papayagan nilang padaluhin ang mga miyembro ng gabinete lalo na’t nauna ng lumiham si Executive Secretary Lucas Bersamin sa Senado na ginagamit ang executive privilege para hindi sila pasiputin sa committee hearing
Ayon kay Escudero wala siyang nakikitang anumang pamumulitika sa ginagawa ni Sen. Imee at hindi ginagamit itong venue ng senadora ang imbestigasyon para sa kanyang kampanya o muling pagbabalik sa Senado.
Iginiit niya na ang ginawa ni Marcos ay “in aid of legislation” lamang at nakikita naman niyang mayroong panukalang batas ang maaring maging bunga ng pagsisiyasat.
Tinukoy ni Escudero ang posibleng pag-amyenda ng international humanitarian law, paglilinaw sa probisyon ng Saligang Batas partikular na ang Article 3 Section 2 na nagsasabing, “No person shall be deprived of life, liberty, or property without dure process of law nor shall anyone be denied equal protection of the laws”.
“Kasi nakasaad doon, ‘yong mga probisyon na kinakaharap natin partikular ‘yung sa arrest warrant. The right of the people to be secure and their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizure of whatever nation for any purpose shall be in violable at itong probisyon na ‘to and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge. After examination under author affirmation by the complainant, and the witness, it may produce and particularly describing the place to be searched the person’s thing to be seized.,
paliwanag niya.
“‘Yong judge ba doon saklaw ‘yung ICC judge? ‘Yong judge ba doon, aplikable lang ‘yung bill of rights sa judge ng pamahalaan? O aplikable din ba siya sa mga judge ng ibang bansa? Kung saan pwedeng kuwestiyonin ang sinumang Pilipino na inisyuhan ng warrant ng judge mula sa ibang bansa. Kung may pagkakaisyu nga ba ng warrant ay naaayon sa ating saligang batas,” anang Senate President. (NINO ACLAN)