Fri. Aug 7th, 2026

šŸ“·: Prudencio “Tay Pruding” Calubid Jr. | Karapatan

 

MAS maraming mahahalagang isyu ang dapat harapin ng Office of the Solicitor General (OSG) kaysa aksayahin ang pera ng bayan upang ipabalik sa bilangguan ang Isang inosente, matanda at maysakit na mamamayan para lamang maisalba ang estado sa malaking kahihiyan.

Pagbatikos ito ng human rights group na Karapatan laban sa paghahain ng motion for reconsideration ng OSG sa Court of Appeals na naglalayong ibalik sa kulungan si Prudencio “Tay Pruding” Calubid Jr., ang isang maysakit na octogenerian na maling inaresto at ikinulong.

Si Tay Pruding ay iniutos na palayain ng 16th Division ng CA noong Hunyo 30, 2025 matapos nitong pagbigyan ang habeas corpus petition na inihain para sa kanya ng anak.

Isang retiradong technician at dating overseas Filipino worker si Tay Pruding na dinakip ng mga pulis sa Bintang na siya si Prudencio Calubid, consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na may PhP7.8 milyon na pabuya sa kanyang ulo.

Ang consultant ng NDFP ay dinukot at puwersahang nawala sa Camarines Sur kasama ang limang iba pa ng mga hinihinalang ahente ng estado noong Hunyo 26, 2006.

Sa desisyon nito, kinastigo ng 16th Division ng CA ang Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (PNP-CIDG) dahil sa kawalan nito ng due diligence dahil sa hindi pagtupad ng kahit na basic verification sa mismong komunidad kung saan nanirahan si Prudencio Jr. sa loob ng ilang taon.

Samantalang ang petitioner na si Calubid ay nagharap ng napakaraming ebidensya upang patunayan ang kanyang natatanging pagkakakilanlan mula sa consultant ng NDFP, anang CA.

ā€œUtterly devoid of substantive issues,ā€ sabi ni KARAPATAN secretary general Cristina Palabay, ā€œthe OSG’s motion for reconsideration harps on technicalities and merely repeats the PNP-CIDG’s false claims that it had conducted ā€˜extensive investigation and intelligence gathering’ to verify Calubid’s identity.ā€

ā€œThe OSG should have better things to do than to waste State resources on efforts that would throw an innocent, old and ailing man in jail just to save face,ā€ wika ni Palabay. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *