Fri. Feb 13th, 2026

Nakita ang tunay na kulay ng isang pamosong senador dahil sa naganap na sunog sa gusali ng Senado.

Isa na lang ang gumaganang elevator sa Senado, na dating tatlo, kaya lahat ng empleyado, senador at bisita ay dito sumasakay.

Pero tila allergic pala sa pila ang senador kaya imbes na sumunod sa mahabang linya ng mga empleyado at bisita, pinahawi raw niya ang lahat ng nakapila para makasakay agad sa elevator.

Ang mas matindi, siya at ang kanyang staff lang ang nakapasok—walang ibang pinayagang sumabay.

Ayon sa mga nakasaksi, tila VIP treatment ang gusto ng senador, kahit ordinaryong elevator lang ang sasakyan.

“Siya ba ang La Greta ng Senado na ayaw may kasabay sa elevator?” tanong ng miron na ang tinutukoy ay ang urban legend tungkol kay Gretchen Barretto na umano’y pinalabas sa elevator ang kasabay niyang babae na hindi niya kilala, na kalauna’y napag-alaman na may-ari pala ng naturang gusali.

Naging usap-usapan na rin ang senador sa showbiz nang maimbitahan siya minsan sa isang pagtitipon ay nakakita siya ng lamok.

Tinalakan daw niya ang nag-anyaya sa kanya habang nagmamadaling palabas sa event at sinabing paangil na baka magka-dengue pa siya sa lugar.

CLUE:

Ang senador  na na ayaw makihalubilo at mas gustong solo ang biyahe ay kilalang vain.

“Kung gusto nyo siyang makilala, ipasilip sa CCTV na nakatutok sa elevator,” hamon ng miron sa Las Chismosas sa Senado.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *