Hindi lang pala apoy ang dapat inapula ng mga bumbero sa naging sunog sa gusali ng Senado kundi maging ang super init ng ulo ng isang staff ng senador.
Isang elevator na lang ang gumagana sa Senado, na dati’y dalawa, mula magkasunog kaya ganun na lang ang haba ng pila para makasakay ang mga kawani, mga senador at mga bisita sa gusali.
Nagulat ang lahat kahapon nang dumagundong ang malakas na boses ng staff ng isang senador sa elevator girl na pinagalitan at hiniya niya sa harap ng madlang pipol dahil hindi siya nakasakay agad sa elevator.
Napaiyak daw ang kawawang elevator girl sa inabot na kahihiyan mula sa pagtataray na wala sa lugar ng ka-level lang naman niyang suwelduhan sa Senado.
Mabilis daw na nakarating kina Senate President Tito Sotto at Senate President pro Tempore Ping Lacson ang power tripping scene sa elevator kaya’t pinaha-hunting na ang staff ng senador para pagpaliwanagin sa masamang inasal niya.
CLUE:
Isa raw sa mga senador na dawit sa flood control scandal ang amo ng power tripper na empleyado.
“Hoy, power tripper, hindi ka sasaluhin ng amo mo kahit, tawagin mo pa si Bro. Eddie, hahahaha,” mensahe ng alaskador na Las Chismosas member sa Upper House.
‘Yun na!