📷: mula sa Filipino Social Club-Dubai | FB
Marami ang nagulat nang mabasa ang panunumpa ni Arthur Lawrence Los Banos bilang bagong assistant secretary ng Presidential Communications Office sa Dubai noong Nobyembre 17, 2025.
“He took his oath of office before Ambassador Alfonsor Ver on November 16 on the second day of the OFW Serbisyo Caravan Dubai Leg 2 held at the Dubai World Trade Center,” ayon sa Filipino Social Club-Dubai Facebook page.
“Los Banos will join the PCO Team in Malacanang under Acting Secretary Dave Gomez in early December.”
Nagtaka ang ilang political observers lalo na’t mukhang ngayon lang nila nabalitaan na ang isang presidential appointee, na mahigit dalawang dekada na sa ibang bansa, ay tila hindi nakapaghintay na umuwi ng Pilipinas para manumpa sa bagong trabaho niya.
Tanong nila, “May emergency ba at nagmamadali na animo’y may aagaw sa kanyang puwesto?
Nasa state of emergency na ba ang communications team ng Palasyo at kailangan mag-import pa ng isang PR man, na nakabase sa Dubai, para tumulong sa pangkat?
Ayon sa impormante, hindi pa man daw nakakauwi sa bansa ay nagpadala na umano ng mensahe ang bagong PCO exec sa mga reporter tungkol sa ipatatawag niyang presscon at “consultation” dahil nga magiging opisyal na siya ng Marcos Jr. administration.
“Dedma ang mga reporter sa imbitasyon ni “Asec” kaya nag-send na naman ito ng mensahe, this time demanding na ang arrive dahil ipadadala pa raw niya ang listahan sa Palasyo,” dagdag ng source.
Kahit ilang milya ang layo niya sa mga makakasama sa New Executive Building ay kinaiinisan na umano siya dahil “ma-epal.”
May impormasyon umano na gusto pala niya ay “work from home” ang arrangement na lalong ikinainis ng mga taga-NEB na umaga pa lang ay nakikipag-agawan na sa jeep at bus para makasakay upang makapag-report sa trabaho sa Malakanyang.
Ilang araw bago opisyal na itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Dave Gomez bilang acting secretary ng PCO ay nakatanggap ng e-mail ang Balitang Klik mula sa isang “Art Los Banos, a 24-year resident of Dubai and is currently working as Head of Corporate Communications of a global energy logistics company and a former Filipino Community Leader in the UAE”, na naghayag ng kanyang opinyon hinggil sa bentahe nang pagpuwesto kay Gomez, na isang PR man gaya niya, para pamunuan ang comms team ng Palasyo.
“Journalists are bearer of news, either a pleasant or unpleasant incident or event which had recently happened. PR professionals are bearer of messages that assure people of ‘good things’ and ‘good times’ to come,” aniya sa mensahe.
“President Marcos has nothing to lose as his reputation is not very encouraging. A Pulse Asia Research survey conducted in March showed that he has only a 25% approval rating, with 53% of Filipino adults disapproving of his performance. Majority of the Filipino voters in the Gulf Cooperating Council (GCC) have expressed their dissatisfaction by not voting for the administration’s Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidates last May,” dagdag niya.
Ngayong nasa pintuan na mismo ng Palasyo ang pinakamalaking corruption scandal sa kasaysayan ng Pilipinas, kaya bang iahon ng dalawang PR man ang imahe at krebilidad ng kanilang patron?
Alam kaya nina Gomez at Los Banos na hindi basta mahihilot ng PR strategy ang ngitngit ng sambayanan sa malawak at sistematikong nakawan sa kaban ng bayan na ilang dekada nang pinagtitiisan? (ROSE NOVENARIO)