Nakakaalarma ang paniniwala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na normal pa ang sitwasyon kaya pinag-aaralan pa kung kailan gagamitin ang emergency powers na ipinagkaloob sa kanya ng Kongreso para tugunan ang epekto ng giyera sa Gitnang Silangan sa bansa.
“The problem is, the President believes that everything is normal. That is really alarming. Nothing is normal about the situation. Walang normal sa nangyayari ngayon. Ang problema mismong pangulo nagsabi: pag-aaralan pa o titignan pa,” ayon kay Kamanggagawa Rep. Eli San Fernando sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One PH.
“Mr. President, ano pa ho bang pag-aaral ang gagawin ninyo? Gusto niyo ho, bigyan pa kayo ng panahon para makapag-aral? Makita anong impact nito?” dagdag niya.
“The reality, nakasambulat na sa mga mata natin: hirap na hirap na ang mga manggagawang drayber, mga tsuper at ordinaryong Pilipino. Antayin ho ba natin matapos pa yung sigalot sa Gitnang Silangan?”giit ng kongresista.
Kinuwestiyon ni San Fernando kung ano pa ang hinihintay ni Marcos Jr. gayong na puputok na “national security crisis” at hawak ng Punong Ehekutibo ang bola.
Maaari aniyang mali ang impormasyon na nakakarating sa Pangulo hinggil sa sitwasyon.
“The question is: Ano pa hong inaantay ng pangulong bongbong marcos? This is a national security crisis waiting to explode. So, Mr. President, nasa inyo po ang bola. Tingin ho namin kayo ay misinformed about the gravity of the situation,” giit niya.# (ROSE NOVENARIO)