Sun. Mar 22nd, 2026

Iminungkahi ni dating Department of Finance (DOF) Secretary Gary Teves na pag-isipang ipagpaliban ng pamahalaan ang ASEAN Summit na nakatakdang idaos sa Pilipinas ngayong taon, upang maituon ang pondo sa mga pangangailangang lokal sa gitna ng pandaigdigang at pambansang presyur sa ekonomiya.

Sa panayam sa DZRH, tinaya ni Teves na maaaring makatipid ng humigit-kumulang ₱17 bilyon, gaya ng ginawa sa Tokyo Olympics noong 2020 na ipinagpaliban dahil sa pandemya.

Binigyang-diin niya na kailangan ng konsultasyon sa mga kapwa kasapi ng ASEAN upang matiyak ang legalidad at diplomatikong pagsang-ayon.

Tinalakay din ni Teves ang epekto ng paghina ng piso na nasa ₱60 kada dolyar, na nagpapataas sa presyo ng mga inaangkat na pagkain at langis. Aniya, ang mga konsumer ang “pinakamalaking talo” dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin.

Nagbabala rin siya na ang inflation ay maaaring umabot sa 7.5% kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend, dahil sa bigat ng presyo ng pagkain at langis.

Giit ni Teves, mas lalong naaapektuhan ang mga pamilya dahil hindi tumataas ang sahod kasabay ng pagtaas ng presyo ng bilihin.# (RRN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *