Sun. Mar 15th, 2026

Nagtungo raw kamakailan sa isang lalawigan sa Region 2 ang Kontrobersyal na Unipormado (KU) para sa isang  mahalagang misyon na itinago bilang “short talk.”

Sinundo raw si KU ng isang opisyal ng probinsya bilang kanilang espesyal na panauhin.

Maliban sa bossing ng lalawigan, kasama raw sa kaututang-dila ni KU ang isang pamosong kontratista na sabit sa napakainit na isyu ng mga anomalya sa flood control projects.

“Ang kontratista ay napilitan ding lisanin ang puwesto sa gobyerno mula pumutok ang kanyang pangalan sa alingasngas,” lahad ng Ilokanang miyembro ng Las Chismosas Gang sa Region 2.

Sa kanyang pagbabalik sa Maynila ay kasabay raw ni KU ang isang alkalde na sabit din , pati ang kanyang kapatid, sa flood control projects corruption sa rehiyon.

“Noong Martes ng nakaraang linggo ay special visitor ng isang pamosong mambabatas si KU na nangumpisal ng kanyang mga nalalaman sa budget insertions,” pabulong na sabi ng miron.

Bilang pagtalima raw sa sumbong ni KU, ipinatawag ng pamosong mambabatas ang kanyang tukayo, na ang negosyo’y may kinalaman sa mga armas, at “pinagmumura” siya.

“Ito kaya ang dahilan kaya muntik ibalik sa Palasyo ang panukalang budget?” tanong ng naguguluhang miron.

“May chance. Kaya naman mistulang bulkan na sumabog ang isang senior government official noong weekend,” sagot ng Ilokanang Las Chismosas member.

CLUE:

Kumita nga ba sa sindikato ng talpakan si KU at kanyang mga alipores kaya sinibak siya sa puwesto?

“Gaano katotoo na hindi nagustuhan ng mga kalahi ni Lakandula ang kanyang sinapit kaya’t muntik maglabas ng withdrawal of support sa Bossing ng Bayan Mo ngunit napigilan lamang?” usisa muli ng miron.

Para makaganti sa tama ng palakol, kaya raw nagpunta si KU sa pamosong mambabatas para maging kakampi niya, lalo na’t bilang na rin ang oras nito sa puwesto.

Sa rami ng kuwarta ng pamosong mambabatas, kayang-kaya niyang pondohon ang posibleng tambalan nila ni KU sa 2028 elections.

“Magaling bang magluto ng Tambakol si Diwata?” sigaw ng miron.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *