By Diego Morra
Nagiging katawa-tawa na ang mga “fervent denials” ni Senador Bong Go na wala siyang kinalaman sa mga kontrata ng CLTG Corp. at Alfrego Corp. sa mga korporasyon ng pamilya Discaya na may lisensya upang gumawa ng mga proyekto ng DPWH. Parang sinabi niya na hindi siya ang nagpakilala kay Michael Yang kay Rodrigo Duterte at wala rin siyang kinalaman sa pagbubuo ng Pharmally na pinondohan ni Yang, at hindi rin siya nakialam kung paano muntik nang makatakas ang magkapatid na Dargani ng Pharmally sa paliparan ng Davao City dangan nga lamang na may sigalot sa loob ng paksyong Duterte kaya naudlot ang paglipad sa Singapore at nahuli sila Dargani.
Wala ring kaugnayan si Bong Go kung bakit hindi kaagad na binawalan ang mga taga-Wuhan na bumisita sa Pilipinas habang rumaragasa ang impeksyon sa Covid 19 at hindi rin siya ang nagsabi na ang “ban” laban sa panauhing Tsino ay “nakahihiya” bilang tsuwariwariwap kay Duterte na binalaan ang virus na “babarilin” niya ito. Hindi rin pala siya nakialam sa mga “reclamation projects” sa Manila Bay, taliwas sa ipinagyayabang ng isang bagitong negosyante sa Cebu na nakawelding sa interes ng senador.
Guni-guni rin pala ang reklamo ng isang sinibak ng pinuno ng Philippine Navy (PN) na di-pumayag na saksakan ng mga armas ng isang “frigate” na gawang South Korea dahil hindi ito akma ang mga ito sa sistema ng nasabing bapor-pandigma. Nanlumo ang mga opisyales ng PN sapagkat tama ang reklamo nila subalit nalulunod pala ang katotohanan ng mga bulong. Naretiro si admiral kara-karaka. Kahit binabasa pa niya ang kanyang sasabihin upang itanggi ang kanyang papel sa pangraraket sa flood control projects (FCPs) and “infrastructure projects” sa Davao ay tila hindi kapani-paniwala ang palusot ng buthing senador.
Ayon sa mga kilabot na nagmamatyag sa pulitika ng House of Representatives, may mga ulat din na may kinalaman si Bong Go, dating Man Friday ni Duterte, kung bakit natabunan ang isang ambisyosong kongresista at naging Speaker si Alan Peter Cayetano. Lumipad bigla patungong Davao si Cayetano bitbit ang kanyang mga alalay upang kausapin si Duterte kaya natimbog ang ambisyon ng kongresista ng Visayas noong 2019. Hindi rin nagtagal si Cayetano sa kanyang luklukan at nagbitiw noong 2020. Iba na talaga ang may kontrol ng tenga ni Duterte at may hawak ng kanyang mga gamot. Special assistants always promote special interests.
Bilang mambabatas, tila nawaglit sa isipan nitong si Bong Go na bawal na bawal sa batas na ipintura ng senador, kongresista, alkalde at konsehal ang kanilang mga pangalan sa “health centers,” silid-paaralan at barangay sapagkat ni singkong duling ay wala silang ginugol sa mga ito. Upang maipangalan ang anumang gusali sa kanila, nararapat na sumakabilang-buhay muna sila. Subalit iyan ang ginagawa ni Bong Go sa Philippine Star at Daily Tribune na nakaextra pa ang apo ni dating Speaker Sonny Belmonte. Kung gusto niyang ibandila ang kanyang mukha sa mga pahayagan, kailangang magbayad sa anunsyo, hindi ba Speaker Sonny Belmonte? Ito ay malaswa, gaya ng pagpapalit ng pangalan ng mga donors ng mga gamot, maskara at personal protective equipment (PPE) noong kasagsagan ng Covid 19 pandemya.
Bad habits die hard, sabi ng mga Amerikano, subalit delicacy, honesty, sincerity and credibility have all been massacred since 2016, when the terrible Duterte administration took over and threw everything to the wind in the bogus effort to boost the mantra that “change is coming.” Not a winner in the spelling bee, the regime actually meant “change is scamming.” And for the loose change spend for Duterte cultists, they provided the worst claque that trumpets the accomplishments of the regime, justifying everything, from the uncouth statements of the blabbermouth of a president, to his misogynistc, necrophiliac and insane declarations that stumped foreign leaders to ask whether Filipinos are really civilized or not.
Bong Go’s impassioned plea to be regarded as St. Christopher has lost any meaning, especially after it has been established that the Go construction company made special deals with the Discayas’ St. Gerrard Construction to win projects worth P816.98-million. From 2007 to 2019, CLTG Builders cornered DPWH infrastructure projects valued worth a total of P4.6 billion in the Davao Region from 2007 to 2017, spanning the period when Duterte was mayor and president. In 2017, CLTG secured P3 billion in projects, including more than P500 million through a joint venture. Nothing saintly about this, except that these projects didn’t pass muster all the standards of quality engineering. No wonder Davao City is always inundated, requiring recurrent appropriations for flood control.
It is now time for Bong Go to face the music. No more jabberwocky about his bleeding-heart virtue, his concern for fire victims, the praise releases about helping ice cream vendors, treating kids and orphans to Jollibee meals and comforting the sick and the dispossessed. You cannot propose to help the needy by duplicating social welfare facilities with your name emblazoned on them, as what his “Malasakit Centers” do, the perpetual propaganda outlets that mock both the Department of Health (DOH) and the Department of Social Welfare and Development (DSWD.) There is no nobility in rolling in sheet spoiled by crap while pretending to be lily-white.