Kinompirma ni Navotas Lone District Representative Toby Tiangco na may tatlong party-list groups sa Kamara ang hindi naghain ng anumang request para sa mga infrastructure projects sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa gitna ng mga diskusyon sa pambansang budget, tahasang tinukoy ni Tiangco ang mga progresibong grupo mula sa Makabayan bloc.
Ipinagmalaki ng Koalisyong Makabayan ang naging pahayag na ito ng mambabatas. Sa kanilang opisyal na pahayag, binigyang-diin ng alyansa na ang kawalan ng infra requests ay patunay ng kanilang malinis na track record sa Kongreso: “Walang pork barrel projects. Walang kickbacks. Walang korapsyon.”
Kasunod nito, muling nanawagan ang mga kinatawan ng Makabayan sa pamunuan ng Kamara na isapubliko ang buong listahan ng lahat ng proponents at mambabatas na nag-request ng mga DPWH projects upang matiyak ang buong transparency sa pondo ng bayan.#