Sat. Mar 21st, 2026

Tila taingang-kawali at manhid ang ilang opisyal at mga kawani ng mga ahensyang abala sa pagiging host ng Pilipinas sa ASEAN Summit ngayong taon sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na magtipid sa gitna ng krisis sa Gitnang Silangan.

Hindi maikakaila na ang budget para sa ASEAN Summit ay inilaan bago pa inatake ng US-Israel ang Iran, ngunit katuwiran ba ito para laspagin ang pondo?

Isang concerned member ng Las Chismosas ang nanggigigil sa chikang kahit meeting lang kaugnay sa ASEAN Summit ang gaganapin sa isang five-star hotel, nag-check-in pa raw  ang ilang opisyal at staff nila sa nasabing hotel, gayong lahat sila’y nakatira naman sa Metro Manila.

“Astang bakasyonista. Hindi na sila nakonsensya na habang lumalantak sila ng masasarap na pagkain at komportableng natutulog sa hotel, ang mga nagpapasuweldo sa kanila’y nakikipaghabulan sa mga bus at jeep makapasok lang sa trabaho at ganun din ang kalbaryo kapag pauwi sa kanilang mga tahanan? “ aniya.

Habang kapag may out-of-town naman na aktibidad kaugnay sa ASEAN, hitik sa pagkain na akala mo’y walang nagugutom sa Pilipinas.

Kaya naman, ayon sa Las Chismosas-Cebu Chapter, sinasamantala raw ito ng isang tusong kawani ng Palasyo.

“Pang-hotel o accommodation lang raw ang ibinibigay ng TUSO sa mga recruit niyang support staff na may status na contract of service dahil bahala na raw siya sa pagkain at incidentals. Eh, libre naman ang mga pagkain sa mga event at hindi naman galing sa bulsa nila, diretso ba sa bulsa niya ang pondo para sa mga bagito?” anang grupo.

Tiyak anilang sasakit na naman ang ulo ng state auditors kapag tinuos ang gastos ng 2026 ASEAN Summit.

CLUE:

Nagpasarap na animo’y bahay-bakasyunan nila ang five-star hotel ang ilang opisyal at ilang staff ng kagawaran na may malasakit daw sa mahihirap.

Alam kaya ito ng bossing nilang umepal sa “imburnal girl”?

Habang ang TUSO na kabisado ang galawan sa “international events” ay suki ng casino.

Bistado kaya siya ng amo niyang nakakasilaw ang kintab ng ulo?

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *