Mariing kinondena ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang napaulat na insidente ng hazing sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Ayon kay Commissioner Rafael Vicente Calinisan, ang naturang gawain ay “isang tahasang paglabag sa batas, direktang paglapastangan sa dignidad ng tao, at lubos na hindi katanggap-tanggap.”
Binanggit ni Calinisan na ang PNPA ay isang institusyong may tungkuling humubog ng mga susunod na lider ng pambansang pulisya.
“It is where discipline must be anchored in respect for human rights, where authority is exercised within the bounds of law, and where the rule of law must be lived, not violated,” aniya.
Dagdag pa niya, ang pagkakaroon ng hazing sa loob ng akademya ay malinaw na indikasyon ng pagkasira ng disiplina, pamumuno, at pananagutan ng institusyon
“Let this be declared without reservation: THIS MUST NEVER HAPPEN—UNDER ANY CIRCUMSTANCE, IN ANY INSTITUTION, AND MOST ESPECIALLY NOT IN ONE ENTRUSTED WITH SHAPING THE LEADERS OF THE NATION’S LAW ENFORCERS. There is no justification, no excuse, and no tolerance for such acts,” giit ni Calinisan.
Bilang tugon, agad na magtatatag ang NAPOLCOM ng isang Task Force upang magsagawa ng masusing, patas, at mabilis na imbestigasyon.
Layon nitong matukoy ang katotohanan at masiguro ang pananagutan ng lahat ng sangkot. Ang mga direktang kalahok ay pananagutin sa ilalim ng batas, habang ang mga may tungkulin sa pagpapanatili ng disiplina at seguridad na nagpabaya o nagbulag-bulagan ay hindi rin makakaligtas sa pananagutan.
“Silence, concealment, or indifference is complicity,” saad ni Calinisan.
Nanindigan ang NAPOLCOM na hindi nito hahayaan ang kultura ng karahasan at kawalang-pananagutan na umugat sa institusyong inaasahang magluwal ng mga tagapagtaguyod ng batas.
“This is a line that has been crossed—and it will be dealt with decisively,” pagtatapos ng pahayag. # (JCNE)