Imbes magturo ng iba, dapat ipaliwanag ni Vice President Sara Duterte ang sarili njiyang maleta at aminin kung saan nagmula ang bilyun-bilyong pisong unexplained wealth na naglabas-masok sa kanyang mga bank account na hindi deklarado sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio.
Hinimok din ni Tinio si VP Sara na ibalik ang P448 milyon na confidential funds na ipinasasauli ng Commission on Audit (COA) sa bise presidente.
“May pera pala siya para mamasyal sa limang bansa sa Europe at Asia “at no cost to the government,” sana gamitin na lang niya para bayaran ang kanyang pananagutan sa kaban ng bayan,” sabi ni Tinio.
Nanawagan ang mambabatas kay VP Sa na huwag baluktutin ang kasaysayan.
“Lastly, huwag sanang baluktutin ni VP Duterte ang kasaysayan. Napilitan siyang magresign sa Gabinete matapos malantad ang pagwaldas niya ng Php 125 million Confidential Funds in 11 days, hindi dahil sa umano’y “tumanggi akong pumirma sa isang pambansang budget na hindi ko kayang ipagtanggol sa taumbayan,” giit ni Tinio.
“In the first place hindi naman pumiprima ang Bise Presidente sa pambansang budget. Higit pa rito, walang anumang imik na nagmula sa kanya hinggil sa korpasyon sa buong panahon na kabilang siya ng Uniteam. Nung kakampi, tahimik. Ngayon hindi, pumoposturang anti-corruption. Huwag kami,” dagdag niya.# (ROSE NOVENARIO)