Tue. Apr 28th, 2026

Panlalait at panduduro ang inalmusal ng journo nang sugurin siya ng isang kontrobersyal na opisyal ng Malakanyang dahil sa ipinaskil niyang mensahe sa social media tungkol kay Saldimo.

Biglang nagising sa pagkamangha ang mga inaantok na miyembro ng Las Chismosas- JP Laurel Chapter sa nasaksihang pagwawala ng opisyal, na binansagan nilang Meltdown Queen, sa mismong Press Working Area (PWA) sa New Executive Bldg. sa Malacanang Complex kaninang umaga.

Humangos daw si Meltdown Queen sa PWA matapos mabasa ang post sa social media ng journo dahil ang tingin niya ay patama ito sa kanya.

Sa harap daw ng mga mamamahayag at ilang kawani sa NEB ay kinompronta ni Meltdown Queen ang journo at walang patumanggang binungangaan ito tungkol sa socmed post.

“Para kang vlogger na mahilig mang-intriga,” talak daw ni Meltdown Queen sa journo.

Marami pa raw pinagsasabi si Meltdown Queen sa journo na walang masabi kundi “sorry, Ma’am.”

“Kung gaano ka-cool ang kanyang principal sa harap ng sangkaterbang problema, siya naman gaspang ng ugali ni Meltdown Queen,” sabat ng miron sa umpukan.

“Bilang public official, hindi siya dapat balat-sibuyas. Higit sa lahat, hindi niya pasuweldo ang mga journo para pagalitan at hiyain kapag hindi pabor sa kanya ang nabasa niya,” sabi naman ng militanteng Las Chismosa.

Hindi humingi ng paumanhin si Meltdown Queen sa masama niyang inasal kahit pa “pinagalitan” siya ng kanyang immediate superior.

CLUE:

Kapag dinapuan ng langaw si Meltdown Queen, tiyak na madudulas dahil sa kintab ng tela ng kanyang mga outfit na tila araw-araw ay Independence Day.

Madalas niyang kastiguhin ang kapwa government official na tila tinatakasan din ng bait kapag nagagalit.

‘Yun na!

By admin