Mon. May 4th, 2026

📷: NBI Director Melvin Matibag

 

May posibilidad na isang aktibong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kinausap at napapayag ni Vice President Sara Duterte na “pumatay” kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos at dating Speaker Martin Romualdez kapag may masamang nagyari sa kanya.

Kinompirma ito ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag nang tanungin ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio sa pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment complaint laban kay VP Sara.

“Malinaw po, idiin po natin sa mismong statement ng Vice President, yung nakita nating video kanina, sinabi naman niya eh, na”Sa security ko kasi may kinausap na ako na tao.” So, pangalawa, “and then he said yes.” So, dalawa po ang na-reveal dito. Una, na yung kinausap niya ay galing sa kanyang security. Pangalawa, na lalaki ito, di ba? He said yes. Tama po ba?” tanong ni Tinio kay Matibag.

“‘Pag sinabi pong security ng Vice President, again, Ito nga po, katulad ng binanggit nyo, yung Vice Presidential Security and Protection Group. Tama po?

At ang pinuno niyan at the time ay itong si Colonel Raymond Dante Lachica. Tama po?”ani Tinio.

“That is correct po,” sagot ni Matibag

“Iniimbestigahan nyo na po ba ang VPSPG including Col. Lachica kaugnay dito?” tanong muli ni Tinio.

“Yun nga po ang sinasabi ko na ongoing ang investigation and in fact we are coordinating with other agencies to pinpoint that individual,” tugon muli ni Matibag.

“Tama po bang sabihin na hindi lang simpleng nag-hire ng hitman ang bise presidente kundi ang hitman na ito ay posibleng miyembro mismo ng Armed Forces of the Philippines?” usisa pa ni Tinio.

“It’s a possibility because the members of the VPSPG ay, sabi ko nga po ay may active members ng military,” ayon kay Matibag.

“Posibleng ang napapayag ni VP Sara ay isang miyembro ng Armed Forces mismo ang pumatay at hindi lang ng ordinary mamamayan kung hindi ang Commander-in-Chief mismo at ng iba pang opisyal at indibidwal,” pagwawakas ni Tinio. # (RRN)

By admin