Ibinasura ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang mga panukalang buhayin ang naudlot na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at kilusang komunista.
Giit ni Teodoro, hindi na lalahok ang gobyerno ng Pilipinas sa negosasyon sa aniya’y grupo na responsable sa panggagambala sa kapayapaan ng publiko.
Ayon kay Teodoro, payapa na ang bansa at nagpapatuloy ang New People’s Army (NPA) ng mga krimen.
Inihayag ito ni Teodoro kasunod ng pahayag ng grupo ng mga dating peace negotiators, kasama sina Hernani Braganza, dating agrarian reform secretary; Efren Moncupa, human rights lawyer at dating miyembro ng government peace panel; Jaime Aristotle Alip, founder ng Center for Agriculture and Rural Development-Mutually Reinforcing Institutions; Francisco J. Lara Jr., peace and conflict studies expert; at Roberto Ador, a former political detainee.
Hinimok ng grupo ang pamahalaan na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista, binanggit na ang mga nakaraang negosasyon ay halos nagbunga ng pansamantalang kasunduan bago ito tinapos sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinunto nila ang isang kamakailang operasyong militar sa Negros Occidental, kung saan 19 katao ang napatay, bilang patunay ng kagyat na pangangailangan na resolbahin ang dekada-dekadang insurhensiya.
“The nineteen (19) deaths in Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental, on April 19, 2026 underscore the urgent need to finally settle this long-standing armed conflict,” the anang grupo.
Gayunman, iginiit ni Teodoro na ang muling pagbubukas ng usapan ay magbibigay ng “legitimacy” sa tinutukoy niyang terorismo.
“Plain and simple, it’s terrorism. To call for peace talks is to elevate the morality of their cause to something legitimate, which I cannot accept. Hindi ko matatanggap ‘yun,” aniya.
Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na engkuwentro sa NPA ang naganap sa Toboso, Negros Occidental noong Abril 19 na ikinasawi ng 19 nanumano’y rebelde.
Pinabulaanan ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pahayag ng AFP at sinabing 10 NPA fighters at 9 sibilyan ang namatay sa naturang operasyong militar. #