Tue. Jun 16th, 2026

Umani ng batikos ang kalatas na ipinaskil ng PhilHealth ngayong Linggo, Hunyo 14, kasunod ng isang viral social media post hinggil sa nasawing miyembro na umano’y pinagkaitan ng tulong para sa hospital bill dahil wala pang 24 oras siyang na-confine.

Ayon sa naturang Facebook post, umabot sa ₱200,000 ang hospital bill ngunit hindi nakakuha ng PhilHealth benefits ang miyembro dahil sa patakaran na nangangailangan ng higit sa isang araw na pagkaka-confine.

Hindi katanggap-tanggap para sa mga netizen ang paliwanag ng ahensya na natugunan na ang suliranin ng biyuda at nagsasagawa ito ng koordinasyon sa mga ospital upang alamin ang mga sirkumstansya ng kaso.

Narito ang ilan sa komento ng netizens sa Facebook page ng PhilHealth:

“Para kasing kayo na ang may-ari ng contributions eh.”

“Pakitang tao. Ayusin nyo. Ang nangyayare utang na loob pa ng tao sa inyo yung pera nila.”

“Weeehhh di nga NYETA kung hindi pa nag viral di kayo kikilos”

“Hanep na hashtag yan “SagotKaNgPhilHeallth”. Saan? Patungong kabilang buhay?”

“Eh paano po niyan ‘yung mga hindi nagpost? Lol”

“Kung hindi pa nag viral eh no? Hahahahah”

“kawawa naman Yung tao naghulog ng maayos matagal na panahon tas hndi mapapakinabangan yung benefits,papahirapan pa🥲”

“What you can do is enlarge the scope of Philhealth’s coverage, both for inpatient and outpatient services.

If Philhealth, as an institution is serious in its mandate, just do the math asap, to implement the abovementioned suggestion.”

“from Philhealth to Killhealth 😂”

“Im working as a reviewer sa insurance sa US. In case of death, automatic approval dapat yan.. Maryosep 🤦”

“Umaksyon dahil nag-viral 🤣”

“Wag NYU n po ilagay ang katabi na bagong Pilipinas ka imbierna LNG ganurn ahaha”

‘Bka pwede po gawing parang HMO ang phil health…para pag emergency ay magamit agad….sana habang buhay pa ay pakinabangan…hindi yong PATAY na kmi doon kyo kunwari concern!😡”

“Tigilan na natin pagbayad sa walang kwentang Phil health na to hahahahahaha “ # (ROSE NOVENARIO)

By admin