Inihayag ng state broadcaster ng Iran na IRIB na napilitang tanggapin ng Estados Unidos ang pagtatapos ng digmaan dahil sa matatag na paglaban ng mga puwersang armado at mamamayan ng Iran, batay sa ulat ng Al Mayedeen English.
Ayon kay Pakistani Prime Minister Shehbaz Sharif, nagkasundo ang Washington at Tehran sa agarang at permanenteng pagtigil ng mga operasyong militar, kabilang sa Lebanon.
Inaasahang pipirmahan ang kasunduan sa Switzerland sa Hunyo 19 matapos ang serye ng paghahanda.
Binigyang-diin ng IRIB ang tinawag nitong “nakakahiyang pag-urong” ni US President Donald Trump, matapos niyang sabihin na hindi niya kailanman hinangad ang pagbabago ng rehimen sa Iran.
Sa Truth Social post, kinompirma ni Trump ang kasunduan at inihayag ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz at ang agarang pagtanggal ng US naval blockade: “Ships of the World, start your engines. Let the oil flow!”
Itinuturing ng Iran ang kasunduang pangkapayapaan bilang estratehikong tagumpay matapos ang ilang buwan ng agresyon ng US at Israel. # (ROSE NOVENARIO)