Thu. Sep 19th, 2024

SA gitna ng napipintong paglabas ng mandamiento de arresto mula sa International Criminal Court, pilit ibinabaling ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang isyu sa paraan ng pagkakalat ng kontrobersyal na video ng isang lalaki habang “bumabatak” ng cocaine.

Partikular na tinukoy ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na nakabase sa Vancouver, Canada ang Maisug North Amdrican tour tampok ang film showing ng tinaguriang “polvoron video” kung saan “huli sa akto” diumano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggamit ng droga.

Sa isang kilos-protesta, hayagang kinastigo ng BAYAN si Roque na anila’y garapalang pinagtatakpan ang madugong giyera kontra droga ni Duterte

Bago pa man ginanap ang Vancouver leg ng Maisug North Americal tour, binisita din ni Roque ang California kung saan minaliit ng dating tagapagsalita ng Palasyo ang “bloodless anti-drug campaign” ni Marcos.

Sa California unang ipinalabas ang kontrobersyal na “polvoron video” na ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) ay ginamitan ng isang AI app.

Hindi rin nakalusot sa mga aktibistang nakabase sa Vancouver ang nga social media post ni Roque — kanilang ang “polvoron video”.

“HUSGAHAN SI VANGAG!” ani Roque sa X na mas kilala bilang Twitter.

Sa labas ng bulwagan kung saan ginanap ang Vancouver-leg ng Maisug North American leg, dinepensahan ni Roque ang mga patayan, kasabay ng giit na parang “coincidental” at “collateral” lamang ang mga patayan sa ilalim ng termino ni Duterte.

Nahaharap sa kasong crimes against humanity si Duterte, kasama sina Senador Ronald Dela Rosa, Bong Go at iba pa.

“Roque justified attacks on and persecution of activists and human rights defenders and other human rights violations,” wika ni Jaela Villegas na tumatayong vice chairperson ng grupong BAYAN sa Canada.

Bukod sa madugong giyera kontra droga, kinastigo rin ni Villegas ang red-tagging ng administrasyong Duterte na kinabibilangan ni Roque.

“Red-tagging is a dangerous justification for more human rights abuses and extrajudicial killings of legal dissenters,” dugtong ni Villegas.

Kabilang sa mga biktima ng red-tagging ni Roque ang International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP), isang alyansa ng mga unyonista, abogado, at mga lider-simbahan.

Sa pahayag ni ICHRP-Canada chairperson Luthfi Mawarid, isang ipokrito si Roque na pumupusturang “peace advocate” at “human rights defender.”

Kabilang si Roque sa mga iniimbestigahan ng Kongreso kaugnay ng santambak na illegal activities ng sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga. (ANGEL F. JOSE)

 

 

 

 

 

 

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *