š·DZRH News | X
NADAKIP ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration (BI) sa isang raid ang dalawang Chinese national sa bahay ni dating Presidential Spokesman Harry Roque sa Pinewoods Golf and Country Club sa Tuba, Benguet kahapon.
Nabatid na dawit sa Philippine Offshore GaĀming Operators (POGO) ang mga naaresto na isang babae at isang lalaki, pawang Chinese nationals at hawak na ngayon ng BI.
Batay sa inisyal na impormasyon ni BI spokesperson Dana Sandoval, may paglabag sa Philippine Immigration law ang dalawang suspect na walang maiprisintang mga kaukulang dokumento ng kanilang pananatili sa bansa.
Ayon kay PAOCC Executive Director at Undersecretary Gilbert Cruz, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa naturang bahay ang dalawang Chinese nationals na may kaugnayan sa operasyon ng POGO.
May posibilidad aniyang itinatago sa bahay ang dalawang Chinese nationals o umuupa sila sa lugar.
Matatandaan na natagpuan ng PAOCC ang ilang bank document ni Roque at ng kanyang dating executive assistant Alberto Rodulfo āARā De La Serna sa Lucky South 99 Corp. ang ni-raid na POGO hub sa Pampanga, ayon kay PAOCC spokesperson Winston Casio s
Isiniwalat rin ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Al Tengco na nag-lobby si Roque para mabigyan ng lisensya ang scam farms.
Ani Casio, si Roque ang nagsilbing legal counsel ng Lucky South 99 na umupa ng lupain ng Whirlwind Corporation. (ROSE NOVENARIO)