Mon. Sep 16th, 2024

📷Paranaque Mayor Eric Olivarez

 

INILUNSAD ng pamahalaan ng Paranaque at Department of Education(DepEd) Division Office ng Paranaque ang kauna-unahang paggamit ng Matatag Curriculum sa pamamagitan ng Artificial Intelligence (AI) software upang maging mabilis at mabawasan ang trabaho ng mga guro at higit na matuto ang mga mag-aaral ng Paranaque.

Dahil dito isinagawa nila ang maghapong workshop para sa epektibong paggamit ng New Matatag Curriculum AI Software at Assessment Systems para sa mga paaralan na dinaluhan ng mga guro mula sa iba’t-ibang paaralan sa Paranaque at mayroong temang “Empowering DepEd Paranaque Teachers”.

Sa naturang workshop ay ituro sa mga guro ang kahalagahan at mabilis na paggamit ng makabagong teknolohiyang ito upang higit na maka-focus sila sa pagtuturo lamang sa kanilang mga mag-aaral.

Naniniwala si  School Division Superintendent Dr. Nerissa Losaria, CESO V, na dahil dito ay higit na darami ang mga batang higit na matututo ng leksyon at aralin.

Umaasa rin si Losaria na pababa ang bilang  ng mga batang walang interest sa pag-aaral dahil sa makabagong teknolohiya lalo na’t ito ay napapanahon sa kanilang henerasyon.

Katuwang naman ng DepEd Paranaque ang Pamahalaang Lungsod na  taun-taon ay maglalaan ng pondo ukol sa naturang programa.

Tinukoy ni Paranaque Mayor Eric Olivarez na naglaan ang pamahalaan na naglaan ng sampung milyong pisong pondo para rito.

Idinagdag pa ni Olivarez maliban rito, ang bilang mga pondo na inilaan ng pamahalaang lungsod para sa allowances ng guro, mga mag-aaral at Iba pang mga pangangailangan ng sektor ng edukasyon.

Ipinunto ni Jen Padernal ng Cypher Global Ed Tech Director na siyang nag-provide ng AI software na titiyakin nilang ito ay kapaki-pakinabang hindi lamang sa mga guro kundi sa mga mag-aaral.

Naniniwala si Padernal na hindi masasayang ang pondo ng ilalaan ng pamahalaan sa programang ito.

Tiniyak din niya l na mabilis din ang serbisyong maihahatid nito sa mga mag-aaral at guro sa pamamagitan ng internet connection.

Aminado si Paranaque Councilor Jose Enrico Golez, Chairman ng Committee education na kahit sila ay liban sa klase at walang pasok ay maaring magtuloy-tuloy ang pag-aaral ng isang mag-aaral sa pamamagitan ng pagbukas lamang ng app na madali at available para sa lahat.

Siniguro din ni Golez na hindi siya magsasagawag humingi ng pondo sa konseho para sa paglalaan ng pondo sa mga magagandang programa at proyekto para sa mga mag-aaral at guro ng Paranaque. (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *