Fri. Nov 22nd, 2024

IPINAHIWATIG ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon na mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng fake viral video na ipinalabas sa Maisug rally o pagtitipon ng pro-Duterte supporters sa Los Angeles, California

“Sino pa ba eh di siyempre yung mga nasa likod ng mga Maisog, Maisog rally na yan, mga laos na mga tao, yung mga hindi na-appoint, yung mga walang pinagkakakitaan, bitter people who were not appointed,” sabi ni Gadon nang hingan siya ng reaksyon sa “fake viral video” na nagpakita na gumagamit ng illegal drugs si Marcos Jr.

“Ipagpatuloy pa nila lalo, ibaon niyo lalo sa hukay ang inyong mga sarili dahil talaga namang wala namang pumapansin sa inyo,” dagdag ni Gadon.

Binatikos din niya ang vlogger na si Maharlika, isa sa unang nagpaskil ng video sa kanyang vlog.

“Syempre yan ang pinagkakakitaan niya, so lahat yan ginagawa niya ganyan, kaya alangan namang, wala namang naniniwala diyan,” ani Gadon.

“Hayaan mo siya, kailangan niya kumain eh. Hindi kakain yan kung hindi gagawa ng mga issues.”

Hindi aniya apektado si Marcos Jr sa naturang video at nakatuon ang atensyon nito sa kanyang tungkulin.

“Itong mga pailang-ilang tao na nanggugulo eh balewala na yan… These people are nobodies,” giit ni Gadon. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *